Vice Ganda, Lassy Marquez nag-kiss sa lips: Sa halagang P10,000 hahalik ako kay Lucifer? | Bandera

Vice Ganda, Lassy Marquez nag-kiss sa lips: Sa halagang P10,000 hahalik ako kay Lucifer?

Therese Arceo |December 06,2022
facebook
share this

Vice Ganda, Lassy Marquez nag-kiss sa lips: Sa halagang P10,000 hahalik ako kay Lucifer?

Therese Arceo - December 06, 2022 - 09:47 PM

Vice Ganda, Lassy Marquez nag-kiss sa lips: Sa halagang P10,000 hahalik ako kay Lucifer?

MARAMI sa mga netizens ang naloka matapos mapanood ang paghahalikan ng mga komedyante at magkaibigang sina Vice Ganda at Lassy Marquez.

Nitong Linggo, December 4, ay nagbahagi ang Unkabogable Star ng kanyang bagong YouTube vlog ang naging palaro niya habang nasa shooting ng kanilang Metro Manila Film Festival entry na “Partners in Crime” kasama ang aktres na si Ivana Alawi.

Ang naturang palaro ni Vice Ganda ay tinawag na “Laglag o Laplap” kung saan dapat ay masalo ng mga players ang mahuhulog na isang libo gamit ang kanilang bibig at ang mga naging contestants niya ay ang co-actors sa naturang pelikula.

Unang sumalang ang kanyang mga kaibigang sina MC Muah at Lassy Marquez ngunit sa kasamaang palad ay hindi nila nasalo ang pera.

Sumunof na kumasa sa palaro ni Vice ang kapwa komedyante na si Divine Tetay at ang personal assistant nitong si Scarlet kung saan nanalo sila ngunit nang nag-round 2 ay nabawi ang napanalunan nila.

Sa huli ay si MC naman ang nagpa-challenge sa TV host-comedian at sinabing P10,000 ang premyo kung mananalo ito.

“T*ngina. Sa halagang P10,000 si Lassy pa ang partner ko. Sa halagang P10,000 hahalik ako kay Lucifer? Diyos ko. Paano kapag nahalikan ko ito, para akong dinilaan ng betlog ng diablo.”

Sagot naman ni Lassy, “Huy limang libo rin ‘yun pag naghati tayo. Di ba?Tig-P5k tayo.”

Sa huli ay pumayag na rin si Vice at nagbanta pa nga kay MC.

“P10,000 ah. Pag yan hindi mo binigay sasapakin ko mukha mo. Huhukayin ko nanay mo,” sey ng Unkabogable Star.

Maya-maya ay nagtapat na nga sina Vice at Lassy at naghanda na sa pagbagsak ng isang libo.

“Sapulin mo, g*ga! P10,000 to,” paalala niya sa kaibigan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)

Sagot naman ni Lassy, “Wala akong pakialam sa pera. Ikaw ang gusto ko.”

Nagtawanan naman ang kanilang kasamahan sabay pabirong sinabunutan ang kaibigan.

“Gagawin kong bente mil. Sapuhin mo lang,” pakiusap ni Vice. “Sapuhin mo. Bakit naghahanda ka?”

Binasa pa ni Lassy ang kanyang labi para mas lalong inisin ang kaibigan. Sabi pa niya, isipin na lang daw na siya si Ion.

“Don ka tumingin [sa isang libo]. Bakit nakatingin ka sa mukha ko?”

Tila pinapatagal pa ni Vice ang challenge dahil kinokontrata niya ang kaibigan na saluhin ang pera para di sila maghalikan.

“Sapuhin mo. Bibigyan kita P20,000. Papagawa ko bahay n’yo. Ilalabas ko sa kulungan tatay mo,” pabitong sey ng “It’s Showtime” host.

Sa huli ay natuloy na ang laro at nagkahalikan nga sa lips sina Vice at Lassy.

“Oh my God. Kitang-kita ko. Naglapat,” sey ni MC.

“Happy? Happy? Happy kayo kapag ganyan. O di ba? GV GV lang?” sabi ni Vice.

Sa huli ay nagpaalam na nga ang magkakaibigan upang mag-ready sa kanilang shooting.

Related Chika:
Lassy Marquez mabenta sa mga gwapong American at Australian: No money involved talaga!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vice Ganda umalma sa mga nagpapakalat ng fake news: Ang evil!

Vice Ganda hindi lalayasan ang ‘Showtime’: Ang dami ko lang labada at sinampay, I’ll be back soon!

Vice Ganda nagpaayos ng ngipin sa halagang P500k: Kapag nabuo ito, P1-M worth of smile talaga!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending