Lassy Marquez mabenta sa mga gwapong American at Australian: No money involved talaga! | Bandera

Lassy Marquez mabenta sa mga gwapong American at Australian: No money involved talaga!

Ervin Santiago |October 31,2021
facebook
share this

Lassy Marquez mabenta sa mga gwapong American at Australian: No money involved talaga!

Ervin Santiago - October 31, 2021 - 12:44 PM

Kit Thompson at Lassy Marquez

SINGLE at walang karelasyon at kalandian ngayon ang komedyanteng si Lassy Marquez na kinaiinggitan ngayon ng sangkabaklaan dahil sa hit movie niyang “Sarap Mong Patayin.”

Grabe naman kasi talaga ang mga pinaggagawa ng stand-up comedian sa suspense-thriller film ng Viva Films kasama ang Kapamilya hunk na si Kit Thompson, lalo na ang nakakaloka nilang “sex” scene.

Kaya nga inggit na inggit ang mga beki na nakapanood sa “Sarap Mong Patayin” na nakapag-dialogue pa ng “sana all” nang masaksihan ang eksena kung saan harap-harapang ipinakita at ipinahawak ni Kit sa kanya ang pagkalalaki nito.

“Ang dami talagang nagsasabi na ‘Sana all Lassy!’ Isang pribilehiyo din talaga ang makatrabaho ko ang isang napakaguwapo at napakahusay na aktor na si Kit Thompson at yung magawa namin yung ganung eksena, sobrang milestone talaga. Milestone? Ha-hahaha!

“Milestone for me na nagawa ko yung ganun for the first time as in. Ang sarap katrabaho ni Kit,” aniya pa tungkol sa half-Filipino, half-Kiwi actor.

“Si Kit as in first time talaga. Nu’ng nakita ko siya oh my God ang laking mama. Nag-storycon pa lang nung nakita ko siya sabi ko hala ang laki ni Kit. Tapos tinitingnan ko yung kamao, napakalaki.

“Baka masasapak ako talaga pag nagkamali ako, baka sapak agad. Pero hindi, napakabait ni Kit at napaka-professional. Ang daling kausap.

“Yung scene na mahirap sa akin actually yung may mangyari sa amin ni Kit eh. Nahirapan din ako dun kasi hindi ko alam yung nararamdaman ni Kit na habang ginagawa ko yun. Yung parang, ‘Ano ba ‘to nandidiri ba siya sa akin?’ Hindi ko alam yung feelings ni Kit. Yun yung medyo nahirapan ako.

“Kasi hindi ko alam kung ano yung naglalaro sa isip ni Kit. At saka mahirap din yung kausapin si Kit, kasi natatakot ako sa gagawin ko sa kanya. Kaya ako nakiusap, ‘Kit, puwede ba natin gawin? Ha-hahaha!

“Tinanong nga ni direk si Kit. Eh si Kit naman papayag. Tapos inutusan ako ni direk, ‘O Lassy ikaw naman magtanong kay Kit.’ So lumapit ako na puwede ko ba gawin ito? Tapos nung umoo si Kit, tumatakbo na ako kay direk, ‘Direk pumayag!’ Yun pala nag-usap na pala sila. So, sinubukan lang pala ako,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 🇵🇭🇦🇺🇯🇵🇬🇧🇺🇸🇨🇦🇨🇭🇰🇷🇮🇪🇳🇿🇮🇹🇫🇷🇭🇰🇸🇬🇲🇾 (@akolassy)


Samantala, naikuwento rin ni Lassy ang mga hindi malilimutang experience niya sa mga gwapong lalaki abroad. In fairness, mabenta raw talaga ang itsura niya sa ibang bansa.

“Siyempre meron na. Hindi na ako magpapatumpik tumpik pa. Meron naman talaga na guwapo talaga as in. Way back ito ng papasok ng year 2000. Ha-hahaha!

“So, isa siyang American na doctor. Natatandaan ko na ang ganda ganda ko para sa kanya. And then kapag nasa ibang bansa ako, sabihin ko na yung mga bansang maganda ako, US, Australia, sa Europe hindi masyado, eh.

“Basta okay ako sa Australia. Sa Asian countries sakto lang. Lalo na sa Pilipinas parang hindi yata. Ha-hahaha! Sa Middle East pasok kahit paano. Pero yung mga Caucasian talaga du’n ako pasok.

“No money involved talaga as in ganda lang. Lalo na sa Australia nung nag-Sydney kami, sa isang bar sa dance floor hinahanap ako ng mga bakla. Sabi bakit parang nagkakagulo sa gitna?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ako yung nasa gitna at yung isang nag-wo-work sa airline na foreigner. Yung ganitong itsura kasi exotic para sa kanila. Parang ganu’n. Sanay sila sa mga magagandang itsura pero kakaiba ito, parang ganu’n,” pag-alala pa ni Lassy sa kanyang mga unforgettable experience abroad.

Lassy feeling nanalo sa lotto nang halikan sa ‘nips’ si Kit: Pero nakakatakot, baka sapakin ako!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending