Bakit natrauma si MC Muah sa pagse-celebrate ng kanyang kaarawan? | Bandera

Bakit natrauma si MC Muah sa pagse-celebrate ng kanyang kaarawan?

Therese Arceo |November 27,2021
facebook
share this

Bakit natrauma si MC Muah sa pagse-celebrate ng kanyang kaarawan?

Therese Arceo - November 27, 2021 - 07:21 PM

Bakit natrauma si MC Muah sa pagse-celebrate ng kanyang kaarawan?

AMINADO ang vlogger-comedian na si MC Muah na may takot siyang nadarama sa tuwing sasapit ang kanyang birthday.

Sa kanyang interview kay Ogie Diaz, isiniwalat niya ang dahilan kung bakit ayaw na niya na mag-celebrate ng kanyang birthday.

November 3 ang birthday ni MC at tila nakalakihan na niya ang mag-celebrate ng kaarawan sa sementeryo sa tuwing dadalaw sila sa museleyo ng kanilang namayapang kamag-anak sa Pampanga tuwing araw ng mga patay.

Nagsimulang mamuo ang takot niya na mag-celebrate ng birthday nang hilingin niya na maghanda sa magulang para maimbitahan niya ang mga kaibigang beki.

Noong mga panahon na ‘yon ay alam na raw ng mga magulang niya na bakla siya kahit hindi pa niya ito inaamin. Kuwento sa kanya ng kanyang ina, ayaw raw sanang bumaba ng ama niya sa kanyang birthday celebration dahil hindi pa ito handang makita si MC kasama ang mga beking kaibigan.

Kaya laking gulat raw niya nang bumaba ang ama at nagluto para sa kanyang mga bisita. Nakiusap pa ang kanyang ama na iakyat siya sa kwarto nang matapos itong magluto.

Pero nagtataka si MC na parang kinakaladkad na lamang ng kanyang ama ang isa nitong paa. ‘Yun pala ay inaatake na ang kanyang ama.

Agad silang tumawag ng ambulansya at dinala sa hospital.

Sumunod sa ospital si MC nang makauwi na ang kanyang mga bisita at doon niya napag-alaman na dalawang araw na lang mabubuhay ang ama dahil sa tindo ng kanyang pagkaka-stroke.

“First time kong naghanda nun. So after nun, mabigat kasi naging parang tuksuhan sa aming magkakapatid na parang sinasabi, ‘Ano ka na, minsan ka na lang maghansa, namatay pa si Papa’ pero pabiro lang nilang sinasabi pero sa akin, mabigat,” pagtatapat ni MC.

Ngayon na lang daw ito muling ikinuwento ni MC dahil pakiramdam niya ay kasalanan niya kung bakit nawala ang ama.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by MC Muah Calaquian (@mcmuah)

“Hindi ba sabi nila, kapag nagawa ko na lahat sa mundo, kukunin ka na ng Diyos. So feeling ko nung natanggap niya ako bilang bakla, feeling ko natapos ‘yung misyon niya sa mundo.”

Pero lagi raw siyang ina-assure ng kanyang ina na hindi niya kasalanan ang lahat at nagkataon lamang ang nangyari sa ama.

Makaraan ng ilang taon, sumubok ulit si MC na maghanda dahil na rin sa pagpipilit ng ina.

Pero noong gabi ng kanyang party, na-strome ang lolo niya.

“Na-trauma na naman ako. Sa tuwing magse-celebrate ako ng kapanganakan ko, bakit ganon? Na-stroke?”

Pero muli ay pinaalalahanan siya ng ina na hindi niya ito kasalanan at nagkataon lamang ito.

Matapos ang ilang taon ay pinilit siya uli ng ina na maghanda pero humindi siya dahil ayaw niyang may mangyaring masama.

Pero tulad noon, may isa na namang kaanak na nawala si MC.

“Simula nun, hindi na ako naghanda nang bongga. Sine-celebrate ko pa rin ang birthday ko pero hindi na ako naghahanda. Nagdi-dinner na lang kaming magkakaibigan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Simula 21 years old hanggang ngayon na 43 na ako, never na akong naghanda.”

“Laging hindi ako nagse-celebrate nang malaki tuwing birthday ko kasi ayokong may mawala na malapit sa puso ko.”

Related Chika:
Sumbrero ni MC nilipad habang pinapayuhan ni Vice; sign para i-let go na ang ex-dyowa?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending