Chad Kinis tinalakan nang-okray kay MC Muah: Ano'ng alam mo?!

Chad Kinis tinalakan nang-okray kay MC Muah: Ano’ng alam mo?!

Ervin Santiago - April 08, 2025 - 07:00 AM

Chad Kinis tinalakan nang-okray kay MC Muah: Ano'ng alam mo?!

Chad Kinis, MC Muah at Lassy Marquez

NIRESBAKAN ng komedyante at direktor na si Chad Kinis ang basher na tumawag ng “tamad” at “walang pangarap” sa kaibigan niyang si MC Muah.

Magkasama sina Chad at MC pati na ang kapwa nila host at komedyante na si Lassy Marquez sa grupong Beks Battalion.

Kaya naman beast mode si Chad Kinis nang mabasa ang comment ng isang netizen kung saan kinumpara nga nito si Lassy kay MC.

Sa kanyang Facebook post, makikita ang screenshot kung saan sinabi ng basher na mas bet daw niya si Lassy dahil may mga naipundar na ito habang si MC naman daw ay tamad at parang walang pangarap sa life.

Bwelta naman sa kanya ni Chad, hindi porke walang ipini-flex sa vlog o social media ay wala nang naipundar sa buhay. Baka raw ma-shock ang basher kung sino talaga sa kanilang tatlo nina MC at Lassy ang pinaka-rich.

Buong post ni Chad, “Yung mga ganitong klaseng basher na akala mo alam na alam ang personal na buhay ng ibang tao. Kung wala kang alam try mo magresearch.

“Ayos lang naman na ayaw mo sa isa samin or isa lang ang gusto mo sa amin pero hindi ibig sabihin niyan may karapatan ka na sabihan ang iba na walang pangarap at tamad. ANONG ALAM MO?”

“Kung nagresearch ka at talagang ‘FAN’ ka ni Lassy alam mo kung paano siya sinuportahan at tinulungan ni MC para maiayos din ang lahat sa buhay niya MULA NOON HANGGANG NGAYON!

“Mahal ko ang dalawang yan. Kaya OO PAPATOL AKO! Lalo na sa mga epal na ganito!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chad Kinis (@chadkinis)


Mababasa naman sa comment section ang naging reaksyon ni Lassy sa post ng netizen at ni Chad.

“Grabe naman. Wag ganon pls. Magkakaibigan kami. si mc kaibigan ko more than 20 years na. Si chad more than 15 years na.

“Ginabayan nila ako para makamit ko kung ano meron ako ngayon. Nagtutulungan kami at nagmamahalan. kaya maayos ang buhay namin ngayon.”

“Nakakalungkot lang kasi nagkakaron ng issue dahil sa estado namin ngayon. Sa totoo lang ako ang least kung ano ang meron ako ngayon and thankful ako sa mga kaibigan ko.

“Salamat sa mga nagmamahal sa beks battalion at maraming salamat sa totoong nagmamahal sa amin at kilala kami ng lubusan.

“Vlogger kami kaya kami nag a-update sa mga nangyayari sa amin. Noong nabaha ang bahay namin may mga Hindi rin magandang nasabi sa akin na nagpapaawa daw ako kesyo manghihingi daw ako masakit sakin yun kasi Hindi nyo alam ang totoo at mangyayari.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kaya wag natin pangunahan ang mga pangyayari. Alamin ang katotohanan. Kung alam nyo lang kung ano ang meron si chad at mc. Pls. Love love love lang and maging masaya lang sana tayo,” ang panawagan pa ni Lassy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending