Chad Kinis naka-score kay Dominic: For sure may maiinggit!

Chad Kinis naka-score kay Dominic Roque: For sure may maiinggit!

Ervin Santiago |March 10,2024
facebook
share this

Chad Kinis naka-score kay Dominic Roque: For sure may maiinggit!

Ervin Santiago - March 10, 2024 - 12:01 PM

Chad Kinis naka-score kay Dominic Roque: For sure may maiinggit!

Bea Alonzo, Chad Kinis at Dominic Roque

LAUGH trip ang paandar na Facebook post ng komedyante at direktor na si Chad Kinis tungkol sa dating aktor na si Dominic Roque.

Pinusuan at ni-like nang bonggang-bongga ng mga netizens ang litrato ni Chad kung saan kasama niya ang ex-boyfriend ni Bea Alonzo na si Dominic.

Marami ang nag-react at nainggit kay Chad dahil nga magkayakap pa ang stand-up comedian-content creator at ex-fiancé ni Bea.

Baka Bet Mo: Chad Kinis na-inspire sa ‘bakit may sad’ post ni Donnalyn, may talak sa mga single

Base sa naturang picture, mukhang nagkita ang dalawa sa isang event at game na game na nagpalitrato.

“For sure may maiinggit. Itago natin sa pangalang Senyora,” ang inilagay na caption ni Chad sa kanyang FB status.

“Baka imention niyo dito si Senyora naku di makakahinga yun,” dagdag na chika pa ni Chad sa comment section.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)


Ang Senyora na tinutukoy ni Chad ay ang sikat na social media personality na palagi ring kasagutan at kabardagulan ng komedyanang si Kiray Celis.

Sumagot naman si Dominic sa post ni Chad Kinis, “Walang edit talaga.”

“All natural,” reply sa kanya ni Chad.

Kamakailan ay nabalitang nagkabalikan na raw sina Bea at Dominic pero wala pang pahayag ang ex-couple tungkol dito.

* * *

Patuloy na pinatitibay ng Cignal ang kanilang posisyon bilang “awesome choice” ng nakararami pagdating sa family entertainment.

Sa pamamagitan ng malawak nitong abot hanggang sa pinakamalayong lugar ng Pilipinas, mas pinipili pa rin ng milyong mga Pilipino ang Cignal dahil kahit nasaan ka man, tinitiyak nila na hindi ka magiging huli sa paborito mong mga programa!

Baka Bet Mo: Chad Kinis hiwalay na sa dating karelasyon, nasaktan pero hindi umiyak: It’s a different kind of pain

Bilang pay TV provider na nakakaintindi sa pabago-bagong interes ng mga Pinoy pagdating sa entertainment, maraming content ang mai-o-offer ng Cignal.

Kung gusto niyo ang kumpletong HBO lineup, Cinema One at PBO para sa blockbuster movies, family-friendly programs mula sa BuKo, Sari Sari, Cartoon Network HD at Dreamworks HD, komprehensibong lokal at internasyonal coverage na balita mula sa One PH, One News HD, BBC News o maging updated sa lokal at internasyonal sports mula sa NBA TV Philippines HD, One Sports+ HD, UAAP Varsity Channel HD, PBA Rush HD etc., lahat ng iyan ay meron sa Cignal.

Meron ding mga “curated pack” para tugunan ang mga iba’t ibang interes ng kanilang subscribers. Kasama rito sa Awesome Pack ay pang Sports Action, Family Time, Asian & Pinoy, at Ultimate Entertainment.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa tagal ng taon na binibigay ni Cignal ang kanilang offerings, pinapangako nila ang patuloy na “awesome” viewing experience para sa kanilang mga subscribers araw-araw! Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang www.cignal.tv/switch.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending