Sumbrero ni MC nilipad habang pinapayuhan ni Vice; sign para i-let go na ang ex-dyowa? | Bandera

Sumbrero ni MC nilipad habang pinapayuhan ni Vice; sign para i-let go na ang ex-dyowa?

Therese Arceo |August 25,2021
facebook
share this

Sumbrero ni MC nilipad habang pinapayuhan ni Vice; sign para i-let go na ang ex-dyowa?

Therese Arceo - August 25, 2021 - 07:27 PM


EMOSYONAL ang naging usapan ng Beks Squad na sina Chad Kinis, Lassy, MC, Divine Tetay, at Negi kasama si Unkabogable Star Vice Ganda habang nagbabakasyon sa Cebu.

Naging sentro ng chikahan ang naging karanasan ni MC sa love.

Kuwento ng vlogger at komedyante, minsan na itong nagmahal ng taong alam niyang hindi siya kayang mahalin pabalik sa paraang gusto niya.

“Kaya ako nasasaktan, feeling ko kasi naging mabuti ako sa kanya. Binigay ko lahat. Kulang na nga lang maging nanay niya ako,” pagbabahagi ni MC.

Napa-advice naman si Meme Vice sa malapit na kaibigan.

“Alam mo, hindi porke ginawan natin ng mabuti ‘yung tao ay puwede na tayong mag-expect na mamahalin niya tayo dahil hindi naman natin dapat siya ginawan ng mabuti para mahalin niya tayo.

“Huwag mo silang painan ng dahilan para mahalin ka. Kung ‘di ka nag-eexpect ng pagmamahal, di mo siya gagawin. Kaya masakit kasi ginawa mo lahat sa kanya. Ginawa mo ‘yun kasi gusto mong gudtuhin ka niya,” payo ni Meme Vice.

Ayon naman kay MC, dumating na siya sa punto kung saan okay at masaya na siya kahit maging kaibigan na lang. Ngunit nasasaktan lang talaga siya dahil pakiramdam niya ay pinagpalit siya.

“Parang pinagpalit niya ako sa isang tao na ‘pag iniisip ko, ‘Ano bang nagawa ng taong ‘yun? Ako parang may isa lang akong pagkakamali sa ‘yo na parang feeling ko hindi ko pa kasalanan. Parang ginawa mo ‘yung scapegoat para makaalis sa ‘kin,” amin ni MC.

Payo ulit ni Meme, mas masakit pag pinagpipilitan ang sarili kaya tanggapin na lang ni MC na hindi na siya pipiliin at i-let go na niya ang minamahal.

Relate naman si Negi dahil minsan na rin daw niyang pinagdaanan ang heartbreak.

Biro naman ni Meme, sa heartbreak nga ba galing si Negi o sa heart burn dahil sa kulay nito.

Nagkatawanan naman ang beks squad ngunit muling nagseryoso.

“Ako, galing rin sa ganyan kaya lang ako, kaya ako naka-move on nang madali kasi hindi ko na pinilit na ‘ito bibigyan kita ng ganyan para mahalin mo ako’, yung parang nag-eexpect ako.

“Basta ‘yung times na masaya, okay na ‘yun. Kinaibigan ko pa rin siya, magkaibigan pa rin kami,” kuwento naman ni Negi.

Sa ngayon ay ipinagdarasal ni MC na dumating siya sa punto na maging okay na siya.

Amin naman ni Meme, kahit siya naman ay dumaan rin sa maraming kagagahan bago niya natagpuan ang tunay na pag-ibig kay Ion.

Kaya payo niya siya mga kaibigan, darating rin ang panahon na magiging masaya sila dahil mababait naman silang tao. Mahaharot man sila ngunit sigurado siyang mabubuti silang tao.

Sa dulo naman ay saktong nilipad ang sumbrero ni MC.

“It’s a sign to let go,” sabi nina Meme Vice dahil tila isang senyales ang nangyari para tuluyan nang matutong bumitaw si MC.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“No rush in your time pero nandito kami para sa’yo. We love you,” mensahe ni Meme Vice sa kaibigan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending