Vice hiyang-hiya kapag sinasabing grabe kung tulungan niya sina MC at Lassy: Naku, hindi n'yo lang alam... | Bandera

Vice hiyang-hiya kapag sinasabing grabe kung tulungan niya sina MC at Lassy: Naku, hindi n’yo lang alam…

Ervin Santiago |December 27,2022
facebook
share this

Vice hiyang-hiya kapag sinasabing grabe kung tulungan niya sina MC at Lassy: Naku, hindi n’yo lang alam…

Ervin Santiago - December 27, 2022 - 07:48 AM

Vice hiyang-hiya kapag sinasabing grabe kung tulungan niya sina MC at Lassy: Naku, hindi n'yo lang alam...

MC, Vice Ganda at Lassy

NILINAW ng Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda na hindi sa lahat ng pagkakataon ay siya ang tumutulong sa mga kapwa comedian na sina Lassy at MC.

Nagbahagi ang Kapamilya TV host kamakailan tungkol sa friendship nila ng dalawang stand-up comedian na palagi niyang kasama sa kanyang mga pelikula.

Ilang beses nang gumanap na sidekick ni Vice sina MC at Lassy sa mga ginawa nitong pelikula para sa Metro Manila Film Festival o MMFF.

Inamin ng komedyante na nahihiya siya kapag may mga nagsasabing palagi niyang tinutulungan at binibigyan ng bonggang raket ang dalawa niyang kaibigan.

“Actually, nahihiya ako kapag sinasabi yun, na lagi ko silang tinutulungan. Hindi niyo alam na ang laki ng itinutulong nila sa akin.

“Kumbaga, nagbabalikan lang kami ng pagmamahal, kaming magkakaibigan,” sey ng TV host.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)


Ayon pa kay Vice, give-and-take raw ang kanilang pagkakaibigan kaya naman hanggang ngayon ay solid na solid pa rin ang kanilang samahan sa kabila ng mga pinagdaraanan nilang challenges sa buhay.

Super thankful din daw siya kina MC at Lassy, “Hinahayaan nila ako na mag-shine. Hinahayaan nila ako. Ang laki ng binibigay nila para mag-shine ako.

“For the longest time, ginagawa nila ‘yun para umangat ako. Tinutulungan nila ako. Pero mas nakikita yung tinutulungan ko sila, kaysa tinutulungan nila ako.

“Ang laki ko na ngayon, eh, di ba? Kaya parang mas nakikita natin ‘yung effort na ginagawa ng malaki, when in fact, ang daming effort na ginagawa ng hindi mo kasing laki,” paliwanag ni Vice.

Sey pa niya tungkol sa bago niyang project, “Hindi naman to mabubuo kung kaming dalawa lang ni Ivana (Alawi). Ang bagot nito kung kaming dalawa lang.

“We can only do so much. Ang laki ng iginaganda ng pelikula dahil sa marami naming mga kasama, lalong lalo na sina MC at si Lassy at si Tetay,” lahad ni Vice.

Dugtong pa ni Vice, ibang level na talaga ang relasyon nila bilang magkakaibigan at hindi lang daw ito para sa harap ng mga camera.

“Ginagawa namin ‘yun, kasi mahal namin ang isa’t isa. We are more than just co-workers, we are more than just friends, we are really family,” mariing sabi ng Unkabogable Star.

Sumbrero ni MC nilipad habang pinapayuhan ni Vice; sign para i-let go na ang ex-dyowa?

Beks Battalion napasabak sa dramahan sa ‘Manananggal’ ni Darryl Yap: Ginawa niya kaming aktor!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pamilya ni Lassy nasangkot sa malaking kaso: Ako ang pinuntirya nila, gusto akong itumba

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending