Beks Battalion napasabak sa dramahan sa 'Manananggal' ni Darryl Yap: Ginawa niya kaming aktor! | Bandera

Beks Battalion napasabak sa dramahan sa ‘Manananggal’ ni Darryl Yap: Ginawa niya kaming aktor!

Ervin Santiago - September 14, 2021 - 10:39 AM

Beks Battalion

MULA sa mga nakakalokang viral vlog nila sa YouTube, may bonggang pelikula na rin ngayon ang Beks Battalion na kinabibilangan nina Chad Kinis, MC Calaquian at Lassy Marquez.

Sa kanila ipinagkatiwala ng kontrobersyal na direktor na si  Darryl Yap ang tatlong mahahalagang role sa bagong romantic-comedy movie ng Viva Films na “Ang Manananggal na Nahahati ang Puso”.

Sila ang magpapasabog ng komedya at drama sa launching film ng Viva Artists Agency talent na si Aubrey Caraan kasama si Marco Gallo.

“The role was offered to me three years ago, when we were still shooting ‘Jowable’ at ang tagal kong hinintay itong ‘Ang Manananggal na Nahahati ang Puso,’” kuwento ni Chad sa nakaraang mediacon ng nasabing pelikula. 

Aniya pa, “Nakakatuwa lang na natuloy at nakasama ko pa sina Kuya MC and Kuya Lassy. Kakaiba ang roles namin, but the personalities are tailor-made for Beks Battalion, kaya nakakataba ng puso.”

Wala nang isip-isip, tinanggap agad ng Beks Battalion ang offer sa kanila ng Viva at ni Direk Darryl. Sabi ni MC, “Of course, gusto naming ma-experience si direk. Plus, all three of us are together here. Alam kong hindi magiging mahirap, kasi sanay na kaming tatlo na magkakasama talaga.”

“Anak-anakan ko rito sa Ang Manananggal na Nahahati ang Puso, si Aubrey. Maalaga din ako. In real life, I’m really like that. Enjoy kami at ang saya namin sa shooting.”

Matagal nang nakakatrabaho ni Chad si direk Darryl kaya super comfortable na siya rito, “Every time I worked with him, it was an awesome experience. Hindi nawawala ang paghanga ko sa kanya everytime.  He’s a genius and he doesn’t run out of ideas. You will really admire him.

“Bago siya maging director, nagiging tao muna siya sa set. Ipinapakita niya pagdating mo sa set, hindi siya director. Kaibigan mo siya, kachikahan mo. He will make you feel comfortable. He’s like that not just with the cast, but also with the staff and production crew. It doesn’t feel like work. It’s like having a bonding session with your family.

“Sobrang sarap katrabaho ni direk Darryl. No stress, no pressure. You’re having fun, but at the same time, you have your role. Hindi ka niya pipilitin sa isang bagay na ayaw mo. Whatever you can give, he’s very open and very collaborative as a co-worker. Not one basher has been right about how direk Darryl is as a person,” litanya ni Chad Kinis.

Kuwento naman ni Lassy, “Madalas kasi sa amin makuwento ni Chad si direk Darryl. When we learned that this was going to be our first movie with him, we said yes right away. Ibang klase ma-experience si direk Darryl sa mga pelikula niya. It was a riot on set.”

“Sobrang excited ako pero at the same time, kinakabahan. Naghahalo ang dalawang emosyon talaga. Pero noong nasa set na kami, para lang kaming magkatropa. Tawanan, lokohan. Napakagaan ng trabaho namin,” sey pa ni Lassy.

Dagdag pa niyang papuri sa direktor, “Sobrang malikot ang isip niya. But si direk, once magustuhan na niya ang ginawa mo, okay na sa kanya. So you have to give your best.”

Chika naman ni MC, “Kaming tatlo, we did good comedy films in the past, but here with direk Darryl, we became actors. What we didn’t get to do before, we were able to do in Ang Manananggal na Nahahati ang Puso. 

“So I’m happy. Binigay niya sa amin ang comedy, but at the same time, binigay din niya sa amin ang pagiging actor,” sey pa ng komedyante.

Samantala, bukod nga sa pagkokomedya, napasabak din sa dramahan ang Beks Battalion sa “Ang Manananggal na Nahahati ang Puso”. 

Sey ni Direk Darryl, “More than comedians, they are really actors. They know how to do drama. It is very rare to find comedians who have good timing in both comedy and drama. Napakagaling nila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Individually, they are brighter to my eyes. I’ve been working with Chad na napakatalino. With Lassy, sobrang galing ang timing. MC is a good dramatic actor. Other directors should see him doing drama,” paglalarawan pa ng direktor sa tatlong komedyante na anak-anakan din ng kanilang meme na si Vice Ganda.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending