Luis Manzano kinuwestiyon si Vilma, nagduda kung sino ang tunay na ama: Hihingi ako ng paliwanag | Bandera

Luis Manzano kinuwestiyon si Vilma, nagduda kung sino ang tunay na ama: Hihingi ako ng paliwanag

Therese Arceo |July 12,2023
facebook
share this

Luis Manzano kinuwestiyon si Vilma, nagduda kung sino ang tunay na ama: Hihingi ako ng paliwanag

Therese Arceo - July 12, 2023 - 07:30 PM

Luis Manzano kinuwestiyon si Vilma, nagduda kung sino ang tunay na ama: Hihingi ako ng paliwanag

KINAGILIWAN ng madlang pipol ang nakakatawang hirit ng TV host-vlogger na si Luis Manzano sa inang si Vilma Santos.

Sa kanyang Instagram post ay ibinahagi niya ang larawan ng Star for all Seasons kasama ang King of Pop na si Michael Jackson.

“Oras na… paguwi ko hihingi ako ng paliwanag sa Mommy ko… kung si Michael Jackson ang tunay kong ama,” caption ni Luis sa kanyang post.

Aniya, ayaw sana niyang humingi ng tulong sa isang kilalang senador ngunit kung kakailanganin ay gagawin n’ya.

“Ayoko sana umabot kay Sen Tulfo to pero kung kelangan , go ako !” dagdag pa ni Luis.

Muli rin itong nag-post ng video sa kanyang Instagram habang humihingi ng eksplanasyon mula sa kanyang ina para raw mabuo na ang kanyang pagkatao.

“Bigla ko na lang nakita ang picture na ito (Ate Vi at Michael Jackson). Matagal na akong nagdududa. Matagal na akong nagdadalawang isip. Ayokong ilabas ito in public. Dapat ang problema ng pamilya kayo-kayo lang, hindi na pinapaabot sa social media,” sey ni Luis.

Pagpapatuloy niya, “Pero kailangan ko nang ilabas ito, dahil masyado nang gumugulo sa isipan ko. Mommy magpaliwanag ka, kung si Michael Jackson ba ang tunay kong ama? I deserve an explanation. I deserve an acceptable reason.”

Baka Bet Mo: Luis Manzano naloka nang pagbawalan ng netizen na tawaging ‘Peanut’ ang anak: Hindi ako na-inform na kayo nagluwal

“Ayoko sana paabutin it okay Sen. Tulfo o ‘di kaya sa ‘Kapuso Mo, Jessica Soho’, pero kung kailangan ko ng kasagutan, gagawin ko ang lahat,” hirit pa niya.

Kinuwestiyon rin ni Luis ang amang si Edu Manzano kung may alam ba siya ukol sa natagpuan niyang “sikreto”.

“Daddy, alam mo ba ito? Tinago niyo ba sa akin lahat ng ito? Eto ba ang sikreto ng pamilya natin?” sabi pa niya.

Muling tanong ni Luis sa ina, “Mommy si Michael Jackson ba ang tunay kong ama?”

Umani naman ng samu’t saring komento mula sa mga followers ng TV host ang kwelang post niya hinggil sa kanyang pagkatao.

“Pa DNA na para magkaalaman na nga talaga hahaha,” comment ni Vina Morales kay Luis.

Dagdag naman ni MJ Lastimosa, “What a revelation.”

“[Luis] isang hihi nga kung ikaw ay isang tunay na anak ni michael,” sey naman ng isang netizen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Luis sa bashers: Babasahin ko ang comments n’yo na niyuyurakan ang pagkatao ko

Luis Manzano may ‘trivia’ kung ilan ang nagsimula ng ‘Eat Bulaga’, Anne Curtis nadamay?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending