Luis Manzano naloka nang pagbawalan ng netizen na tawaging 'Peanut' ang anak: Hindi ako na-inform na kayo nagluwal | Bandera

Luis Manzano naloka nang pagbawalan ng netizen na tawaging ‘Peanut’ ang anak: Hindi ako na-inform na kayo nagluwal

Therese Arceo |May 05,2023
facebook
share this

Luis Manzano naloka nang pagbawalan ng netizen na tawaging ‘Peanut’ ang anak: Hindi ako na-inform na kayo nagluwal

Therese Arceo - May 05, 2023 - 10:49 AM

Luis Manzano naloka nang pagbawalan ng netizen na tawaging 'Peanut' ang anak: Hindi ako na-inform na kayo nagluwal

NAWINDANG ang TV host-actor na si Luis Manzano sa mga komento ng mga netizens patungkol sa kanilang anak ni Jessy Mendiola na si Baby Peanut.

Kamakailan lang nang maganap ang binyag nito at sa latest vlog nga ni Jessy ay makikitang nag-a-unbox sila ng mga regalo mula sa mga ninong, ninang, at mga taong dumalo sa isa sa mga espesyal na araw ng kanilang baby girl.

Habang isa isa ngangbinubuksan at ibinabandera ni Luis ang mga regalo ng anak ay may mga kuwento rin ito.

Isa na nga rito ang struggle ng mga kaibigan niyang sina Rex at Jay noong namimili ito ng ireregalo sa kanilang anak.

Ang dalawa raw ay ang mga stylists ni Luis.

“Parang iniisip daw nila (Rex and Jay) kung anong name ang ilalagay sa card, nasa counter na raw sila. Nag-uusap sila, ‘Ano bang ilalagay natin, Peanut or Rosie?’

“Tapos ‘yung nasa counter yata, narinig. ‘Oh my God, si Peanut, ‘yung anak ni Luis saka ni Jessy. Ang cute cute niya,’” kuwento ni Luis.

Baka Bet Mo: Luis Manzano rumesbak nang ikumpara sila ni Jessy kina Drew at Iya sa pagiging magulang: ‘Kung maka-comment ka naman akala mo ikaw magpapadede sa bata’

Kaya naman natutuwa sina Luis at Jessy dahil nakikilala na ang kanilang anak bilang si Baby Peanut.

Ngunit sa kabila ng kagalakan ay hindi talaga mawawala ang mga taong nangnenega.

“May mga nagsasabi sa social media, ‘Wag na po tawaging Peanut. Rosie po dapat’. Hindi ako na-inform na kayo nagluwal sa kanya sa mundo,” diretsahang sabi ni Luis.

Matatandaang noong mga panahong ipinagbubuntis pa lang niya ang kanilang anak ay Baby Peanut na ang tawag nila rito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Jessy Mendiola, Luis Manzano magkaka-baby girl na

Vilma ‘heaven’ ang feeling bilang lola, Baby Peanut may future agad sa showbiz: ‘Maarte siya, sa posing niya you can tell, artista ‘to!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending