Viva Hotbabes Sheree ‘single & ready for occupancy’, pangarap maging bride
IBINANDERA ng aktres at original member ng grupong Viva Hotbabes na si Sheree na single na single pa rin siya hanggang ngayon.
Kaya naman ang hirit ng actress-singer at dancer, “ready for occupancy” ang kanyang status ngayon at handa na siyang makipagrelasyon uli sa tamang taong ibibigay sa kanya.
Sa guesting ni Sheree sa cooking talkshow na “Lutong Bahay” na napapanood sa GTV, nabanggit niyang looking forward na siyang maging isang wifey.
Sey ng sexy actress sa mga host ng show na sina Mikee Quintos at Kuya Dudut, ang isa sa mga pangarap niya sa ngayon ay, “I just wanted to be a wife.”
Epic fail daw kasi ang nangyari sa huli niya pakikipagrelasyon na nauwi rin sa hiwalayan. Eight years din daw silang nagsama ng dating dyowa.
Baka Bet Mo: Sheree pumayag maghubo’t hubad sa pelikula: Virgin na virgin pa po ako!
Sabi ni Sheree, ito na raw ang pinakamatagal niyang relationship after ng breakup nila ng singer-actor na si Gian Magdangal, ang tatay ng kanyang nag-iisang anak.
Rebelasyon pa ni Sheree, kontra-pelo ang paniniwala nila ng dati niyang partner tungkol sa pagpapamilya. Ang gusto lang daw kasi ng guy ay magkaroon ng anak pero ayaw namang magpakasal dahil kagagaling lang daw nito sa divorce.
“Married na siya before nag-divorce na siya and then ayaw na niyang mag-asawa, gusto niya lang ng anak.
“Trauma siya sa marriage, trauma ako sa pagiging mommy na hindi pa kasal. Gusto ko bago muna ako magkaanak ulit, gusto ko magpakasal muna,” ani Sheree na naging emosyonal sa pagbabalik-tanaw sa kanyang past lovelife
Ibinalita pa ni Sheree na okay pa rin ang co-parenting agreement nila ni Gian para sa kanilang 16-anyos na anak.
“We’re very good friends. Natutuwa ako ngayon sa relationship namin ni Gian kasi parang yung concert ko I guested him in my concert. I genuinely feel na we get along,” sabi pa niya.
At may pa-bonus pang chika si Sheree sa panayam nina Mikee — ang una pala niyang naging dyowa sa showbiz ay ang aktor na si Onemig Bondoc.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.