Sheree ayaw nang ibuyangyang ang boobs, nahihiya na sa anak

Sheree ayaw nang ibuyangyang ang boobs, nahihiya na sa anak

Ervin Santiago - May 14, 2024 - 02:38 PM

Sheree ayaw nang ibuyangyang ang boobs, nahihiya na sa anak

Sheree

RETIRED na sa paghuhubad at paggawa ng matitinding sex scenes ang singer-actress at original Viva Hotbabes na si Sheree.

Ayaw nang tumodo ng aktres at dancer sa pagpapa-sexy kabilang na ang pagpapakita ng boobs at pakikipag-love scene.

Nakachikahan ng BANDERA si Sheree kagabi para sa upcoming concert niyang “L’Arte de Sheree” na magaganap sa Music Museum this coming May 24.

Aniya, mismong ang teenager niyang anak na lalaki ang nagsabi na itigil na niya ang paggawa ng sexy projects. Talagang nakipag-heart-to-heart talk daw sa kanya ang bagets.

Baka Bet Mo: Kuya Kim may naka-date na member ng Viva Hotbabes: Inuwi ko pa siya sa nanay at tatay ko!

“Yes, totoong sinabihan ako ng anak ko, inupo niya ako one day tapos sabi niya sa akin, ‘Ma, whatever is it you’re doing, please stop.’ May ganu’n siya. Ang bigat din nu’n para sa akin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 𝒮𝒽𝑒𝓇𝑒𝑒 (@shereevb420)


“Kasi dati, parang, ‘sige gawin ko pa rin siya kasi pwede pa naman, e. Kumbaga, kaya ko pa namang makipagsabayan sa mga bagets kung kinakailangan.

“But then again, I have to respect my son’s feelings. Nu’ng sinabi nga niya sa akin na gusto niya akong makausap, kinabahan talaga ‘ko! Diyos ko! Kala ko nakabuntis or something! Ha-hahaha!

“Tapos nu’ng sinabi nga niya na kung pwedeng itigil ko na yung ginagawa ko (pagpapa-sexy), sabi ko sa kanya, bago pa kami nag-usap, I’ve already decided na mag-stop na talaga,” pahayag ni Sheree.

“So, ako parang nagkaroon ako ng wake-up call na okay, I mean, okay naman ‘yung mga ginawa kong movies na sexy pero it’s time to retire,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Angelica paninindigan ang ‘pagre-retire’ sa teleserye, magbabago lang ang desisyon kung…

“Siyempre, I’m not getting any younger and my son is growing up and I’m very thankful naman for the opportunity na binigay sa akin ng Viva.

“Hindi ko talaga makakalimutan lahat ng mga projects na ibinigay sa akin, pero siguro it’s time for me to change something. ‘Yung parang I have to reveal na ‘yung skills na inaral ko.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 𝒮𝒽𝑒𝓇𝑒𝑒 (@shereevb420)


“Hindi naman alam ng mga tao na that I really sing. So, I really want to showcase my skills and my talents so I produced a show,” pagbabahagi pa ng actress-singer.

Ang tinutukoy nga niya ay ang kanyang solo concert na “L’Arte de Sheree” kung saan hindi lang siya kakanta kundi magpapakitang-gilas din siya sa pagsasayaw with buwis-buhay aerial stunts.

“For this concert, I am telling a story, my whole career, what I went through. At the same time I am showcasing my skills and my music of course.

“Because not many know I am a signer before I became an actress. I wanted to use this outlet to showcase it,” sey ni Sheree.

Aniya pa, “I want to be different. I wanted to add a flavor. I trained very hard for years. I thought of adding skills to my music — this might be the first you will see me singing while pole dancing. There will be a lot of ‘buwis buhay’ stunts.”

Paglalarawan ni Sheree, ang concert daw niya ay mix of “burlesque, theater, and Cirque du Soleil seeks to empower women.”

“Regardless if you will be sexy, it does not mean you want to be raped. You have to embrace sensuality. You have to embrace being a woman. It is really powerful.

“We can use our power to help other people. Women should help each other. That is the message of the concert,” sey pa niya. This is inspired by the Crazy Horse in Paris pero may pagka-wholesome pa rin.

“I was amazed with the kind of art. The difference here is they won’t be naked because we are in the Philippines. My goal is to let everyone watch the show, even kids not just the parents. Sixteen and above,” sabi ni Sheree.

Bukod sa May 24 show sa Music Museum, balak din ni Sheree na dalhin sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas ang kanilang show.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I want to bring it in the provinces. My hope and dream is to make this show bigger. Hopefully it will be on the bigger stage. I plan to tour this also in the United States and Canada,” sey niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending