Katya, Sheree minamaliit dahil sa paghuhubad, pero bumilib si Boy

Katya, Sheree minamaliit dahil sa paghuhubad, pero bumilib si Boy

Ervin Santiago - June 30, 2024 - 07:10 AM

Katya, Sheree minamaliit dahil sa paghuhubad, pero bumilib si Boy

Katya Santos, Sheree at Boy Abunda

NAHE-HURT sina Katya Santos at Sheree kapag tinatawag silang bold stars noong kasagsagan ng kasikatan ng grupo nilang Viva Hot Babes.

Kung may mga humahanga at natutuwa sa mga sexy and daring performance ng mga Viva Hot Babes meron ding nangmamaliit at bumabatikos sa kanila dahil sa pagbibilad ng kanilang hubad na katawan.

Baka Bet Mo: Sheree pumayag maghubo’t hubad sa pelikula: Virgin na virgin pa po ako!

Pahayag ni Katya sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda, “Hindi ganu’n kadali na maging naked on screen.” Kailangan daw talaga ng tapang ng loob at sikmura para sa mga sexy projects.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Katwiran nina Katya at Sheree, trabaho lang ang ginagawa nila at walang personalan. Sey ni Katya, “‘Yun lang ‘yung masakit minsan, ‘O, bold star ka lang,’ ganyan. Parang ‘yung ‘lang,’ parang why?”

“Hindi n’yo ba alam na hindi ganu’n kadali na maging naked on screen ‘di ba. So it takes courage, will power na maghubad ka in front of someone,” pahayag pa ni Katya.

Sumang-ayon naman si Sheree sa naging statement ni Katya at sinabing kailangan nilang maghubad dahil kasama yun sa trabaho nila bilang mga artista.

Baka Bet Mo: Katya mas inuna ang pagbuo ng baby kesa sa kasal nila ni Paulo Pilar

“Actually ‘yun talaga ‘yung pinakaayaw namin na word na ginagamit pagkadine-describe kami. Kasi if you need to take off your clothes for a certain role or story, wala kaming choice, eh,” paliwanag ni Sheree.

Sa tanong ni Tito Boy kung ano ang ginagamit nilang motivation para mapapayag at magawa ang mga maseselang eksena sa movie.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Real talk, fame of course. Because if you’re famous dire-diretso na ‘yung work mo. Parang naging stepping stone lang siya na magkaroon ka pa ng more projects,” ani Sheree.

Ayon naman kay Tito Boy, bilib at hanga siya sa tapang at paninindigan nina Katya at Sheree, pati na ng iba pang miyembro ng Viva Hot Babes.

Sabi pa ng King of Talk kahit daw nagpapaseksi at naghuhubad noon sa kanilang mga proyekto, may class at dignidad pa rin daw ang image ng mga ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod kina Sheree at Katya, nakasama rin sa Viva Hot Babes sina Maui Taylor, Andrea Del Rosario, Gwen Garci at Jen Rosendahl. Nagmarka sa publiko ang mga naughty songs nilang “Bulaklak,” “Kikay,” at “Basketbol.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending