Katya Santos may alagang multo: Wag n'yo kaming sasaktan!

Holloween 2024: Katya may alagang multo: Wag n’yo kaming sasaktan!

Ervin Santiago - October 30, 2024 - 12:40 AM

Holloween 2024: Katya may alagang multo: Wag n'yo kaming sasaktan!

Katya Santos

NANINIWALA ba kayo na may mga bahay na pinamumugaran ng mga multo o mga kaluluwang ligaw at hindi matahimik?

May mga nagsasabing nananatili ang ispiritu ng mga taong gumagala sa paligid dahil hindi pa tapos ang misyon nila sa mundo ng mga buhay. May mga mababait na kaluluwa pero meron din daw mga salbahe at nananakit.

Isa ang aktres na si Katya Santos sa mga nagpapatunay na totoong may mga elemento at hindi maipaliwanag na mga nilalang na nakikitira sa ating mga tahanan.

“Hindi pa ako nakakakita pero nakakaramdam ako palagi. I believe that we are in the physical world and that there are really spirits, I know na nandiyan lang talaga sila,” simulang pagbabahagi ni Katya.

Aniya pa, “Kapag may namamatay, nandiyan lang sila, kaya nga may mga nakakakita sa kanila, yung may nga third eye.

Baka Bet Mo: Katya, Sheree ayaw na ayaw matawag na ‘bold star’: We’re actresses!

“So, yung sa akin, du’n sa bahay ko now, nu’ng lumipat kami, there was one time na parang around 2 a.m. biglang may pumapanik sa hagdanan.

“Sa likod ng room namin yun, na parang nagdadabog. So, napabangon kami, akala namin, sino yun? May magnanakaw ba or what?” ang nakakakilabot na kuwento ng original member ng Viva Hotbabes.

Patuloy pa niya, “So, bumaba kami, tiningnan namin kung sino, pero wala naman. And many times, sinasabi ng mga helper ko, ‘Ma’m may naririnig kaming naglalakad sa taas. Ganyan-ganyan.’

“And even until now, meron pa rin (sa bahay). Nandu’n pa rin siya o sila sa bahay. Kasi dati duwag ako, e. Pero ngayon, nage-get ko na yung ganu’ng mundo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Kinakausap ko sila, and then ang ginawa kong ritual was, meron akong paco santo and mga incense, inikot ko ang buong buhay. Kinausap ko sila na, ‘alam ko nauna kayo rito, pero hindi ko kayo gustong paalisin.’

“Let’s just share the space, huwag n’yo lang kaming sasaktan, okay lang kayong nandito basta, kumbaga let’s take care of each other.

“So, until now ang lagi kong sinasabi kapag may mga bisita ako sa bahay, ‘Oy, may mga alaga ako rito, ha. Baka magulat kayo.’

“Sa akin ang treat ko sa kanila talagang parang mga alaga na, kaya everytime aalis kami ng bahay, kapag walang maiiwan sa bahay, iikot kami ng husband ko, we will tell them, ‘O, kayo na muna ang bahala dito, ha.’

“In short, kinaibigan namin sila, kasi di ba, I think, baka naiinis siya na nandu’n kami or what. So, I just want them to know na hindi kami harmful sa kanila,” lahad pa ni Katya.

“Until now, nandiyan lang sila, ginagaya nila yung footsteps ko, may mga umaakyat.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sabi nga nu’ng isang helper ko, ‘Ma’m kasi parang may naglalakad ng 2 a.m.’ Sabi ko sa kanila, ay huwag na kayong matakot, yung mga alaga natin yun,” ang pagbabahagi pa ng aktres.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending