Katya, Sheree ayaw na ayaw matawag na ‘bold star’

Katya, Sheree ayaw na ayaw matawag na ‘bold star’: We’re actresses!

Pauline del Rosario - June 28, 2024 - 03:00 PM

Katya, Sheree ayaw na ayaw matawag na ‘bold star’: We’re actresses!

PHOTO: Instagram/@simplykatya

HINDI bet tawaging “bold stars” ang dating miyembro ng Viva Hot Babes na sina Katya Santos at Sheree.

Ito ang inamin mismo nila sa naging interview with King of Talk Boy Abunda sa programang “Fast Talk.”

Ayon sa dalawang artista, nasasaktan sila kapag ito ang bansag sa kanila, lalo na ‘yung mga panahon na active pa sila sa paggawa ng on-screen sexy roles.

“‘Yung ‘bold star.’ I didn’t like that because, for me, I think, we’re actresses,” sey ni Katya matapos tanungin ni Tito Boy kung may term o salita na nakaka-offend para sa kanila.

Kwento pa ng aktres, “It’s just that during that time ang Philippines parang hindi pa sila ready compared sa Hollywood. Sa Hollywood wala namang ganon, if you’re an actress and you need to be naked, then okay, ‘di ka tatawaging bold star.”

Baka Bet Mo: Katya ginagawa lahat para magkaanak, nag-alay ng itlog, hihiling sa Obando

Sinabi rin ni Katya na hindi nga dapat minamaliit ang kanilang trabaho dahil kailangan ng tapang upang magawa nila ang ibinigay na role.

“Ayun lang ‘yung masakit minsan, ‘Oh, bold star ka lang,’ Parang ‘yung ‘lang,’ parang ‘why,’ ‘Di niyo ba alam na hindi ganun kadali maging naked on screen,” sambit niya.

Paliwang pa, “It takes courage and will power na maghubad ka in front of someone.”

Sumang-ayon naman sa kanya si Sheree at ikinuwento na wala silang choice that time dahil doon sila nakakasiguro na mabibigyan pa ng mga proyekto.

“Actually, ‘yun talaga ‘yung pinaka ayaw naming na word na ginagamit pagka dine-describe kami. Kasi if you need to take off your clothes for a certain role or story, wala kaming choice eh,” wika nya.

Ibinunyag din ni Sheree na humiling na rin mismo ang kanyang 16-year-old son na itigil na niya ang paggawa ng Vivamax roles.

“Kasi ‘yung one time pumunta kami sa school niya, merong lumapit. ‘I watch your movie,’ ‘What movie’ blah blah. Tapos sabi ng anak ko, ‘What happened’ tapos ini-explain ko sa kanya tapos sabi niya, ‘I wanna sit down and talk to you,’” chika ng aktres.

Patuloy niya, “He said, ‘I just have one request, you can still do ‘yung mga sexy but can you not do the Vivamax na, the bold,’ Sabi ko, ‘Yes. I just tried it lang naman. Even before you told me, I decided to move na to more serious projects’.”

Nang tanungin naman sila kung bakit tinatanggap pa rin nila ang ganitong klase ng roles.

“Real talk, fame of course,” pag-amin ni Katya.

Sambit niya, “Because if you’re famous dire-diretso na ‘yung work mo. Parang naging stepping stone lang siya na magkaroon ka pa ng more projects.”

Sina Katya at Sheree ay mga miyembro ng girl group na Viva Hot Babes na nabuo noong 2003.

Sikat sila sa mga kantang “Bulaklak,” “Kikay,” at “Basketbol.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maliban sa dalawa, kasama rin nila sa grupo sina Maui Taylor, Andrea Del Rosario, Gwen Garci, Jen Rosendahl at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending