Katya nag-alay ng itlog, pupunta sa Obando para magkaanak

Katya ginagawa lahat para magkaanak, nag-alay ng itlog, hihiling sa Obando

Ervin Santiago - June 27, 2024 - 10:16 AM

Katya ginagawa lahat para magkaanak, nag-alay ng itlog, sasayaw sa Obando

Katya Santos at Paolo Pilar

GINAGAWA lahat ng dating sexy actress na si Katya Santos at ng fiancé niyang si Paolo Pilar ang lahat para mabiyayaan sila ng anak.Kabilang na nga riyan ang pagsailalim sa in vitro fertilization o IVF na ayon kay Katya ay napakahirap ding proseso dahil hindi ka pa rin sigurado sa magiging results.

Baka Bet Mo: Katya mas inuna ang pagbuo ng baby kesa sa kasal nila ni Paolo Pilar

“It’s very challenging. Very, very challenging, very emotional. Mahirap po,” ang pahayag ni Katya tungkol sa kanyang IVF journey sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” kahapon, June 26.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paolo Pilar (@paopilar)


Sey pa ng 42-years old na aktres, bukod sa hindi biro ang naturang proseso, napakamahal din daw ng magagastos dito lalo’t “per harvest” ang kailangan na budget.

“It’s not painful but I think ‘yung gastos po ‘yung painful. It’s very draining physically, mentally, emotionally and financially,” pahayag ni Katya.

Naikuwento rin ng aktres na aside from IVF, sinubukan din nila ang mga lumang kaugalian o paniniwala para magbuntis ang isang babae, kabilang na riyan ang pag-aalay ng itlog kay Santa Clara at Padre Pio.

Baka Bet Mo: Herlene sa ginagawang paghahanda para sa Miss Planet International: Diet po yung kalaban ko talaga! Nakakapraning pala!

Si Sta. Clara ang patron saint ng bayan ng Obando sa Bulacan at dumarayo roon ang mga mag-asawang hindi magkaanak kung saan sumasayaw sila sa pag-asang diringgin ni Sta. Clara ang kanilang hiling na magka-baby.

“Nag-alay na po ako ng itlog sa Sta. Clara and then kay Padre Pio. Every Wednesday, nagsisimba po kami sa Christ The King, ang hindi ko pa po napupuntahan yung Pink Sisters.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Katya Santos (@simplykatya)


“Marami pa po kaming pupuntahan. Gusto po naming puntahan yung Obando (Fertility Rites),” pahayag pa ni Katya.

Sa isang interview kay Katya, sinabi niyang plano talaga nila ni Paolo na magkaanak muna bago magpakasal.

“Wala pa (balak magpakasal). Actually, well, kasi ‘yung nangyayari sa amin, inuuna kasi naming magka-baby. So right now, I’m with the process of IVF,” aniya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May isa nang anak na girl si Katya sa  dati niyag asawa na si Anton Delos Reyes.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending