Sexy Babe contestant bet maging Comelec ambassador

Sexy Babe contestant bet maging Comelec ambassador, netizens taas-kilay

Therese Arceo - March 06, 2025 - 07:24 PM

Sexy Babe contestant bet maging Comelec ambassador, netizens taas-kilay

WILLING ang viral “Sexy Babe” contestant na si Heart Aquino na maging ambassador ng Commission on Elections (Comelec) kung mabibigyan siya ng pagkakataon.

Nitong Martes, March 4, bumisita ang dalaga sa tanggapan ng Comelec para mag-ikot sa loob ng naturang ahensya.

Kasama ni Heart sa paglilibot sina Comelec Chairman George Erwin Garcia at iba pang opisyal ng komisyon.

Matapos ang kanyang tour ay nakapanayam naman niya ang media para kumustahin ang kanyang naging pagdalaw sa Comelec.

Baka Bet Mo: Sexy Babe contestant Heart Aquino nakiusap: Stop the bashing na po

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Mas naunawaan ko po ‘yong meaning din po talaga ng Comelec at kung ano pa po talaga ‘yong ginagawa nila,” saad ng viral “Sexy Babe” contestant.

Dagdag pa niya, “Ine-encourage ko po na mas alamin pa po rin talaga natin ‘yong trabaho po ng Comelec.”

May nagtanong naman sa dalaga kung willing ba itong maging ambassador sakaling alukin siya ng Comelec.

“Actually po, kung titingnan ko po siya, it’s an opportunity din po, so yes po, willing naman po ako, and to inspire sa youth na rin po, ” sey ni Heart.

Muli ay nagpaliwanag ang dalaga sa dahilan ng kanyang sagot sa tanong sa kanya ni Vice Ganda.

“Gaya po ng sinabi ko, hindi lang po ako knowledgeable po, pero meron naman po akong kaalaman, na-mental block lang din po ako since first appearance ko sa TV, and medyo nakakakaba po talaga kapag po nasa telebisyon,” lahad ni Heart.

Nakiusap rin siya na sana ay matigil na ang bashing at nawa’y intindihin rin ang kanyang rason kung bakit ganoon ang nasabi niya on national TV.

Matatandaang nag-viral si Heart noong nagdaang linggo matapos ma-bother ni Vice pati ang iba pang hosts na hindi ito aware sa Comelec sa kabila ng kanyang edad at kung hindi pa ba siya nakakaboto.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napataas naman nag kilay ng mga netizens sa sinabi nitong willing siya maging ambassador kung sakaling alukin siya.

Wag kame, 20yo hindi alam comelec tapos nagsheshare ng fakenews. No wonder na fake things den ang laman ng newsfeed mo at fyp,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “GenZ. Magbasa ng balitang magdadagdag kaalaman. Di lahat nasa tiktok, ig at fb.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending