ALAMIN: Mga dapat tandaan para sa halalan

ALAMIN: Mga dapat tandaan para swabe ang pagboto sa halalan

Pauline del Rosario |
Eleksyon 2025 -
April 20, 2025 - 01:49 PM

HANDA na ba kayo bumoto, mga ka-BANDERA?

Bago ka pumunta sa inyong designated precinct, alamin niyo muna ang ilang tips at dapat tandaan para hindi ka ma-turn away sa araw ng halalan!

Kamakailan lang, dinalaw ni Commission on Elections (Comelec) Chair George Erwin M. Garcia ang headquarters ng INQUIRER para ichika ang mga voter essentials at ibida ang high-tech na voting machine.

Narito ang kanyang guide upang maging super ready sa inyong pagboto:

Checklist para sa Election Day

Huwag kalimutang dalhin ang Voter’s ID o kahit anong valid ID.

Bawal ang campaign materials sa loob ng presinto.

Baka Bet Mo: EXCLUSIVE: Kamustahan sa likod ng ‘Incognito’, paano ba napili ang mga bida?

May libreng marker si Comelec kaya huwag ka nang magdala ng fancy gel pen.

Pwedeng-pwede ang kodigo! Para mabilis ang kilos at iwas mental block.

Ano ang latest sa Voting Machine?

Ibinida ni Chair Garcia na “standalone” na ang pinakabagong Voting Machine na gagamitin this year.

“Tingnan niyo po, tinanggal natin sa saksakan, hindi namatay ang machine,” sey niya habang nagde-demo at proud pang binanggit na tatlong araw itong kayang tumakbo kahit hindi nakasaksak sa kuryente.

At kung dati ay parang iPhone screen lang ang display, ngayon ay may 14-inch screen na ito.

“Lumalabas po ang isang machine, kasama na ang battery, box, at pen, nasa P149,000 ang lease,” chika ni Garcia.

Very sulit na raw ito dahil bukod sa mga nabanggit niya ay shockproof at waterproof na rin ito.

May sariling privacy shield pa ito na hindi makikita ng katabi mo ang mga binoto.

Saglit na lang din daw ang pagpasok ng balota sa makina kung saan ay aabutin na lang ito ng dalawa hanggang tatlong segundo.

May pa-automatic receipt cutting din at ipapakita sa screen ang boto mo—15 seconds sa harap, at 5 seconds sa likod.

Lastly, precinct-specific ang balota.

Ibig sabihin, kahit nakawin pa ito ay hindi na ito magagamit sa ibang lugar.

Voting Tips

Bawal ang overvote, pero keri lang kung mag-undervote sa eleksyon.

At uulitin namin, magdala ng kodigo upang hindi kumain sa oras sa dami ng choices –biruin mo, 155 ang pagpipilian sa partylist, 66 sa senador, at may local candidates pa depende sa lugar.

Huwag susulatan o iwasang mapunit ang timing marks ng balota o ‘yung makikitang mga linya-linya sa gilid, dahil kapag nasira ‘yan rejected na agad ng machine.

Bawal ang picture taking sa balota at resibo dahil isang paraan ito ng vote buying.

Bawal ding i-take home ang resibo matapos bumoto dahil pwede rin itong maging vote buying.

Isa pang paalala ni Chair Garcia, “One is to one ang balota. Kung 1,000 ang botante, 1,000 lang din ang balota.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya ang mariing paalala namin sa inyo, huwag na huwag natin sayangin ang boto.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending