Halloween 2024: 9 panlaban sa mga aswang, pwersa ng kadiliman
KUNG adik na adik kayo sa mga horror movies, siguradong perfect ang magiging score n’yo kapag sumalang kayo sa “Family Feud” ni Dingdong Dantes sa GMA 7.
Kapag ang tanong ni Dong ay magbigay ng mga bagay na pwedeng pangontra sa mga aswang at iba pang pwersa ng kadiliman, anu-ano kaya ang isasagot n’yo sa survey?
Tutal naman at malapit na ang Holloween, isulat n’yo muna mga ka-BANDERA ang mga sagot n’yo bago basahin ang artikulong ito para malaman natin kung gaano kayo kagaling sa paghula.
Baka Bet Mo: Alagang biik sa Aklan winakwak, nilafang nga ba ng aswang?
Sa dami na ng napanood naming katatakutang pelikula mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo ay halos pare-pareho lang ang mga ginagamit na panglaban at pangontra para mapalayas o mapatay ang mga aswang at iba pang klase ng kampon ng kadiliman, isama na natin ang mga kaluluwang hindi matahimik.
KRUS
Siyempre, unang-unang panlaban sa mga pwersa ng kadiliman ang krus. Hindi lang dito sa Pilipinas kilala bilang panangga sa aswang at masasamang espiritu ang crucifix kundi maging sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Pinaniniwalaang nasusunog ang mga nakakatakot at mapanganib na elemento at mga kaluluwang ligaw kapag nailapit at nadikit na sa kanila ang krus.
HOLY WATER
Mabisa ring panlaban at pangontra ang pagbabasbas ng Holy Water sa masasamang espritu sa paligid. Nasusunog din ang aswang sa sandaling matalsikan na ng Holy Water.
PALASPAS
Tulad ng mga napapanood natin sa mga horror movie, mabisa raw ang hampas ng palaspas bilang panlaban sa kampon ng kadiliman lalo na kung nabendisyunan ito ng pari.
Kadalasang inilalagay ito sa pinto ng mga bahay para hindi raw makapasok at makapaghasik ng lagim ang masasamang espiritu.
ANTING-ANTING
Hanggang ngayon ay marami pa ring Pinoy ang naniniwala sa bisa ng anting-anting o agimat. Kadalasang nabibili ito sa Quiapo kung saan iba’t ibang uri ng anting-anting ang ibinebenta.
Ito ay gawa sa metal, special gem at mga bato. Meron ding bahagi ng halaman o hayop. Yung iba naman ay bala ng baril ang ginagawang agimat na pinaniniwalaang pinoprotektahan ang sinumang may suot o dala nito.
BUNTOT PAGI
Ayon sa mga matatanda, malakas ang taglay na kapangyarihan ng buntot pagi lalo na kapag ginamit itong panangga sa sumpa at kulam.
Pwede rin itong gamiting sandata laban sa mga aswang at mga taong sinasaniban ng masamang espiritu.
BOLO
Sakaling makorner at atakihin ng mga asawamg at iba pang hindi maipaliwanang na nilalang, siguradong patay ang makakalabang asawang. Basta siguruhin lang na tatamaan siya ng hawak na bolo dahil baka ilaw ang lafangin kapag nahuli ka nila.
Pinaniniwalaang takot at pinangingilagan daw ng mga aswang at masasamang espiritu ang isang bahay kapag meron itong walis na nakasabit nang pabaligtad sa tabi ng pinto.
Isa naman itong ritwal para itaboy ang masasamang espiritu. Ito ay sa pamamagitan ang pagpapakulo at pagsunog ng iba’t ibang uri ng damo sa bao at inilalagay sa isang upuan nang sinasaniban.
Ang matindi at masangsang na amoy ng bawang ay ang nagtataboy sa iba’t ibang uri ng aswang. Inilalagay sa pinto at mga bintana para hindi mapasok ang bahay.
Maaari itong ikalat sa bawat sulok ng bahay para hindi pamahayan ng masasamang espiritu.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.