Enrique pinaka-favorite holiday ang Holloween: Batang horror ako
KNOWS n’yo ba na noong bata pa lang ang Kapamilya actor na si Enrique Gil ay pinaka-favorite niyang holiday ay Holloween?
Yes, mga ka-Marites all over the universe! Talagang looking forward siya every year sa pagsapit ng Undas dahil excited siyang makita ang kanilang bahay na nagiging “haunted house” kapag October 31 na.
Ito ang dahilan kung bakit super excited na siyang mapanood ng madlang pipol ang latest movie niyang “Strange Frequencies”, isang horror-suspense thriller na napiling official entry sa Metro Manila Film Festival 2024.
Bukod kasi sa natupad na ang pangarap niyang makagawa uli ng horror film bilang aktor, magiging part din siya ng production nito bilang producer at ng creative.
View this post on Instagram
Gagamit ang “Strange Frequencies” ng isang footage style sa pagkukuwento ng pelikula na iikot sa gagawing live streaming sa loob ng pinaniniwalaang haunted hospital.
“When they pitched the concept, I was immediately sold by the whole thing. I just can’t wait for everybody to go and watch it,” ang pahayag ni Enrique sa isang panayam.
Kukunan ang pelikula sa Xinglin Hospital sa Taiwan, na kilalang pinamumugaran ng mga hindi maipaliwanag na elemento o nilalang. Gagamit ang production ng GoPros at mga CCTV camera sa location.
“We’re just gonna be shooting the whole film on our own with GoPros. And we’re gonna set up some CCTV cameras,” kuwento ng aktor.
Dagdag pa niya, “It’s a different experience. You’re not just acting, but you’re also taking footage of everything. Parang naging camera guy ka na rin.”
Baka Bet Mo: Enrique Gil sinubukan pang i-save ang relasyon nila ni Liza Soberano, pero…
Kuwento ni Enrique, malalim ang pinaghuhugutan niya sa pagkahilig sa mga katatakutang pelikula dahil, “I’ve been a big fan of horror ever since I was a kid.
“Growing up, Halloween was my favorite holiday. My dad would buy stuff from the US and he would decorate the whole house. It was the scariest house in our village,” aniya pa.
View this post on Instagram
Tungkol naman sa pagsabak niya sa pagpo-produce, “I think it’s part of growing up and a new chapter to my story. Something I can give back also to the industry as well.
“I enjoy it a lot, but it’s also so stressful as well. Kasi, I’m just learning. But it’s not just me. I have a team as well. Ang mga partners ko sa Immerse,” pahayag pa ng aktor.
Bukod sa horror, gusto rin niyang makagawa ng action at comedy films, “I wanna focus on stuff that I’ve never really done before. Things that really excite me right now. Na it’s not too mainstream.
Samantala, sa pagbibida niya sa “Strange Frequencies”, nais ni Enrique na maging bukas ang mga Filipino sa usaping supernatural.
“Just to be open. I believe these things exist. We’re all energies here. Even God’s also spirit as well. I want people to be aware and be respectful about it. And they’re gonna learn a lot by watching our movie,” sabi ni Quen (palayaw ni Enrique).
Makakasama rin sa naturang 50th Metro Manila Film Festival sa darating na December, sina Jane de Leon, Alexa Miro, MJ Lastimosa, Rob Gomez, Raf Pineda at ang YouTuber na si Zarckaroo.
Ito’y mula sa Reality MM Studios, at sa direksyon ni Kerein Go.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.