Diana, Aubrey, Maui payag bang magpa-sexy din ang mga anak?

Diana, Aubrey, Maui payag bang magpa-sexy din ang mga anak?

Ervin Santiago - July 25, 2024 - 12:05 AM

Diana, Aubrey, Maui payag bang magpa-sexy din ang mga anak?

Diana Zubiri, Boy Abunda, Maui Taylor at Aubrey Miles

TATLO sa mga pinakamabenta at pinakasikat na sexy actress noong kanilang henerasyon sina Aubrey Miles, Maui Taylor at Diana Zubiri.

Sa katunayan, sila lagi ang pinagtatapat ng mga fans pagdating sa pagpapaka-daring, hindi lamang sa mga pelikula kundi maging sa pagiging cover girl ng mga men’s magazine.

Pero niinaw naman ng tatlong aktres na never silang nag-away at walang naging kumpetisyon noong kasagsagan ng kanilang kasikatan as sexy stars.

Baka Bet Mo: Hugot ni Maui sa sex scenes nila ni Rose sa ’69+1′: Siyempre kapag bago, masarap…

Muling nagsama-sama sina Diana, Maui at Aubrey sa nakaraang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” at dito nga nila sinagot ang ilang maiintrigang tanong about their past.

Isa na nga rito ang pagiging calendar girl nila ng men’s magazine na FHM taong 2003 kung saan silang tatlo ang naging cover.

Pag-alala ni Maui, sila raw ang napili dahil magkakasabay silang ni-launch noon ng kanilang respective film outfit – ang Viva Films, Regal Entertainment, at Seiko Films.

“Nu’ng time na ‘yun kasi, kaming tatlo ‘yung rivals, e, sa pagpapa-sexy. Aubrey was with Regal, I was with Viva, Diana was with Seiko.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Diana Zubiri-Smith (@dianazubirismith)


“From there on, since sabay-sabay kaming ni-launch for that year, kami na lang ‘yung pinili nilang cover girls kasi tayo ‘yung mainit ‘yung pangalan nu’n,” ani Maui.

Ayon pa kay Maui, walang kumpetisyon sa kanila nina Aubrey at Diana noon kundi kasabayan lang.

Sabi pa nila, hindi man sila nakagawa ng pelikula na magkakasama naging close naman daw sila simula noong magkaroon sila ng mga anak.

Natanong din ni Tito Boy ang tatlong aktres kung ano ang magiging reaksyon nila sakaling magdesisyon ang kani-kanilang mga anak na sumabak din sa pagpapa-sexy.

Baka Bet Mo: Viva artist Rose Van Ginkel naiyak sa presscon; Janno payag makipagchurvahan sa lesbian, pero…

Sagot ni Diana, “Ako po may dalawa akong anak na babae. Isa ‘yan sa mga kinatatakutan kong tanong.

“Kasi baka hindi nila kayanin, Tito Boy. So kung mabibigyan ko sila ng advice, kung may iba namang option, huwag na lang nilang pagdaanan ‘yung dinaanan ko,” ani Diana.

Sabi naman ni Aubrey, “Ano bang klaseng sexy? I wanna show muna siguro mga movies na ganu’n. ‘Kaya mo bang gawin ito?’ Hindi naman scaring ‘yung anak ko, pero you have to see it kung ganito talaga.

“No, ‘yes,’ no ‘no,'” aniya pa. “I want to show muna.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Para naman kay Maui, “I have two boys. No, huwag na lang. Ang dami nilang ginagawa ngayon, eh. Kumbaga they can just bank on with what they are doing, like archery, golf, animations. So, huwag na lang.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending