Anak ni Diana Zubiri na-bully sa school dahil sa cleft lip

Anak ni Diana Zubiri na-bully sa school dahil sa cleft lip

Ervin Santiago - February 10, 2025 - 12:10 AM

Anak ni Diana Zubiri na-bully sa school dahil sa cleft lip

Diana Zubiri at Andy Smith

HINDI napigilan ng aktres at celebrity mom na si Diana Zubiri ang maging emosyonal nang magkuwento tungkol sa panganay niyang anak na si King.

Anak ni Diana si King sa pumanaw niyang asawa na si Alex Lopez na hindi raw agad natanggap noon ang pagkakaroon ng bata ng cleft lip at palate nito.

Ayon sa aktres, bukod dito, hindi rin daw naging madali para sa kanyang anak ang nararanasan nitong pambu-bully sa pinapasukang school.

Binalikan ni Diana ang mga pinagdaanan at hinarap na pagsubok ni King sa murang edad sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong nagdaang Huwebes, February 6.

Baka Bet Mo: Ruru nape-pressure sa bakbakan ng ‘Black Rider’ at ‘Batang Quiapo’; Yassi nagpasintabi kay Coco

“Siyempre, we are all shocked, especially ako. In denial. Dahil hindi po namin in-expect talaga na ganu’n. But then, siyempre, bilang nanay, tatanggapin mo.

“And siya (Alex), hindi niya masyadong natanggap agad. Naging mabigat ‘yung pagtanggap. Pero, ayun, naging okay rin naman po after a while Tito Boy,” pahayag ni Diana.

Patuloy pa niya, “Siyempre, kapag nanganak ka, physical ‘yung unang mga makikita. So hindi namin siya in-expect na ganu’n.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Diana Zubiri-Smith (@dianazubirismith)


“So, ako, iyak lang ako nang iyak. Pero, siyempre, kailangan kong harapin kung ano na ‘yung mga mangyayari,” lahad pa ng aktres.

Aminado si Diana na masakit para sa kanya na hindi agad natanggap ni Alex ang nangyari sa kanilang anak pero nagpapasalamat siya sa suporta ng kanyang pamilya.

“Naintindihan ko naman. Hindi ko na matandaan ‘yung eksaktong sinabi niya. Pero, hindi niya, siyempre po, matanggap.

“Oo, kahit naman po ako, parang naintindihan ko ‘yung ganu’ng pakiramdam kasi nararamdaman ko rin. Pero, siyempre, kailangan kaming dalawa. We support each other. Pero una po siyang bumitaw,” ani Diana.

Patuloy pa niya, “Kaya nu’ng time na ‘yun, parang I had to, parang ang dami kasi nagtatanong bakit hindi ko raw nilabas ‘yung first pregnancy ko.

“So, siyempre, ayun po ‘yung dahilan. Dahil kailangan kong protektahan din ‘yung anak ko and then nagkakaroon ako ng marital problems din.

“Yun actually ‘yung naging main reason kung bakit din kami naghiwalay. And then nakuha ko nang buo ‘yung anak ko. Hindi niya nakita. Nakita niya na lang nu’ng time na nakapag-forgive na ako.

“Naging maayos kami ulit. Nakita niya na ‘yung bata, okay na, naoperahan na. And nu’ng time na ‘yun, I had to let go kung anuman ‘yung lahat ng sakit. Kasi kahit naman ako, siguro may naging kasalanan din ako sa kanya kaya ganu’n. Hindi ko na ‘yun inisip,” paliwanag ni Diana.

Dugtong pa niya, “Kailangan ko na lang na, kasi ang bigat-bigat pong dalhin. Siyempre, every time nakikita ko ‘yung bata, ayoko naman hahanapin niya ‘yung tatay niya sa akin noong time na ‘yun, hindi niya nakikita, hindi niya nakasama. So, ayun, pinakilala ko sa kanya, nakita niya bago rin siya nawala.”

Noong medyo malaki na si King, may nakita raw itong billboard tungkol sa isang charity work para sa may mga cleft lip at palete.

“Sabi niya, ‘Mommy, bakit ganu’n po ‘yung hitsura ng bata doon sa billboard?’ Tapos sabi ko, ‘Alam mo anak, ganyan ka rin dati.’ Pero i-explain ko sa ‘yo kapag malaki ka na kung ano ‘yung nangyari,” kuwento ni Diana.

“Kasi sa school, medyo nagkakaroon siya ng consciousness. Dahil, siyempre, iba ‘yung hitsura niya. Hindi pa po kasi tapos ‘yung operation niya, mayroon pang isa.

“Tinanong ko bakit niya ako tinatanong ngayon lang. Tapos sabi niya kasi, ‘mommy,’ may isa daw siyang classmate na binu-bully siya.

“Siyempre, parang ako, paano ko i-explain? Na-ready ko na rin ‘yung sarili ko kung paano ko i-explain sa kanya. Pero, matalino po kasi ‘yung anak ko. Parang sinabi niya na lang sa akin, ‘You don’t need to explain’ kasi tapos na naman daw.

“And then, nag-sorry ako sa kanya na kailangan niyang pagdaanan kung ano ‘yung napagdaanan niya,” ang emosyonal na pagbabahagi pa ni Diana.

Abot-langit daw ang pasasalamat ng aktres nang maging matagumpay ang surgery ni King, “Isipin mo, Tito Boy, three months old pa lang siya, operation. Six months old, operation. Hanggang ngayon, hindi pa rin tapos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kaya, nu’ng happy ako na nasa Australia, kasi sa Australia po, ‘yun talaga ‘yung pinaka-main na lugar para du’n sa operation niya,” ang sabi pa ni Diana na very happy pa rin sa piling ng asawang si Andy Smith. Biniyayaan  sila ng dalawa anak.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending