Maui Taylor pinatunayang may asim pa rin sa hubaran at churvahan; baguhang sexy star na si Aiko Garcia nagpatuhog sa 'Haliparot' | Bandera

Maui Taylor pinatunayang may asim pa rin sa hubaran at churvahan; baguhang sexy star na si Aiko Garcia nagpatuhog sa ‘Haliparot’

Ervin Santiago |October 15,2023
facebook
share this

Maui Taylor pinatunayang may asim pa rin sa hubaran at churvahan; baguhang sexy star na si Aiko Garcia nagpatuhog sa ‘Haliparot’

Ervin Santiago - October 15, 2023 - 07:32 AM

Maui Taylor pinatunayang may asim pa rin sa hubaran at churvahan; baguhang sexy star na si Aiko Garcia nagpatuhog sa 'Haliparot'

Aerol Carmelo,Aiko Garcia, Maui Taylor at Matthew Francisco

NA-ENJOY namin ang latest Vivamax Original movie na “Haliparot” na pinagbibidahan ng mga baguhang sexy star na sina Aiko Garcia, Matthew Francisco at Aerol Carmelo.

In fairness, bukod sa mga palaban sa hubaran at pakikipag-love scene ang tatlong bida ng pelikula, nagpakitang-gilas din sila nang bonggang-bongga pagdating sa aktingan.

Ang “Haliparot” ay mula sa direksyon ni Bobby Bonifacio, na siya ring nasa likod ng “Bula” na pinagbidahan ni Ayanna Misola at “Salamat, Daks” starring Ayanna again with Alma Moreno.

Kasama rin sa pelikula si Maui Taylor na hindi rin nagpatalbog sa pagpapakita ng katawan at pakikipag-sex scene sa baguhang sexy actor na si Matthew Francisco.

Pero sabi nga ni Maui, pumayag siyang gawin ang mga love scenes niya sa movie kung saan muli siyang nagpasilip ng boobs, dahil alam niyang kailangan sa istorya.

Agree naman kami sa sinabi ng aktres ngunit ang mas nagmarka sa amin ay ang mga drama moments ni Maui sa movie, lalo nang malaman niyang tinuhog sila ng karakter ni Matthew.

Baka Bet Mo: ‘The Clash’ graduate Garrett Bolden pasok sa cast ng ‘Miss Saigon’; ending ng ‘Raising Mamay’ inaabangan na

Ayon kay Direk Bobby, ito ang unang pagkakataon na nakatrabaho niya ang apat na bida ng “Haliparot,” “It’s my first time to work with the four of them. This is really meant to be a launching movie for Aiko, so given na siya sa cast.

“As for the others, someone suggested Maui and I said why not? I really like to work with her and she turned out to be so sweet on the set, never nag-complain.

“Si Aerol, I’ve met him before sa events ng Viva and he’s okay. As for Matthew, someone showed me his picture. I asked for a meeting and he turned out to be also okay.

“We had a workshop before the shoot and I’m lucky, kasi lahat sila, matatalinong aktor, lalo na si Aiko na very intuitive in playing her role as a teenage student. Kuhang kuha niya lahat ng facial expressions and nuances the role calls for,” aniya.

Baka Bet Mo: Hugot ni Maui sa sex scenes nila ni Rose sa ’69+1′: Siyempre kapag bago, masarap…

Iikot ang kuwento ng “Haliparot” sa isang dalagita na nang matikman ang sarap ng unang karanasan, hindi niya mapipigilan ang tukso. Masusubok din ang relasyon nila ng kanyang ina sa pagdating ng isang lalaking magbibigay ng panandaliang kaligayahan.

Sina Libay (Maui Taylor) at Abigail (Aiko Garcia) ay mag-ina na malapit sa isa’t isa. Sa tagal ng panahon, silang dalawa lang ang magkasama at kakampi nila lagi ang bawat isa sa ano mang problema at pagsubok.

Sa liblib nilang lugar sa Sitio Una Deseo, kilala rin ang mag-ina dahil sa natatangi nilang ganda, at halos lahat ng lalaki doon ay nagkakagusto sa kanila, tulad nalang ni Gabo (Aerol Carmelo) na matagal ng may nararamdaman para kay Abigail.

Ang lalaking bagong salta rin sa kanilang lugar ay hindi makakaiwas sa ganda nina Libay at Abigail. Si Jeric (Matt Francisco), isang misyonero na na-assign sa kanilang sitio at magiging boyfriend ni Libay.

Titira sa isang bubong sina Jeric, Libay, at Abigail at dito na magsisimulang magiging komplikado ang lahat para sa kanilang tatlo.

Sa maliit na bahay at manipis na mga pader, makikinig si Abigail habang nagsi-sex sina Libay at Jeric, at sa mga panahong wala naman si Libay ay si Abigail naman ang patakas na makikipagsiping kay Jeric.

Anong kahihinatnan ng magulong sitwasyon na ‘to sa pagitan ng isang ina, anak, at ng kahinahinalang lalaki? Anong mangyayari sa relasyon nina Libay at Abigail kapag nalaman ni Libay ang tungkol sa panloloko ng anak at nobyo?

Paano nito babaguhin ang buhay nila? At ano nga ba ang motibo ni Jeric para gawin ito sa mag-ina? O tulad lang din ba siya ng iba na nahumaling sa kanilang ganda?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Malilinlang ka sa pagdating ng “Haliparot”, streaming na exclusively sa Vivamax simula ngayong October 20.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending