Maui Taylor diretsahang sinagot ang tanong kung sino sa mga member ng Viva Hot Babes ang pinakamaldita... ispluk mo na yarn! | Bandera

Maui Taylor diretsahang sinagot ang tanong kung sino sa mga member ng Viva Hot Babes ang pinakamaldita… ispluk mo na yarn!

Ervin Santiago |May 16,2023
facebook
share this

Maui Taylor diretsahang sinagot ang tanong kung sino sa mga member ng Viva Hot Babes ang pinakamaldita… ispluk mo na yarn!

Ervin Santiago - May 16, 2023 - 07:36 AM

Maui Taylor diretsahang sinagot ang tanong kung sino sa mga member ng Viva Hot Babes ang pinakamaldita... ispluk mo na yarn!

Jen Rosendahl at Maui Taylor

NAGPAKATOTOO ang sexy actress na si Maui Taylor sa pagsagot sa tanong kung sino sa mga members ng dati nilang grupong Viva Hot Babes ang pinakamaldita.

Naichika ni Maui ang ilang naging experience niya noong kasagsagan ng kasikatan ng Viva Hot Babes, kabilang na nga ang naging issue sa kanila ng isa pang memer ng grupo na si Jen Rosendahl.

Sa guesting ni Maui sa weekly talk show ng GMA 7 na “Sarap, ‘Di Ba?” kasama ang dalawa pa niyang kasamahan sa grupo na sina Andrea Del Rosario at Sheree at naungkat nga ang tungkol sa nagiging isyu noong buo pa ang Viva Hot Babes.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maui Anne Taylor (@therealmauitaylor)


Natanong kasi ng host na si Carmina Villarroel si Maui sa segment na “Trip to The Hotseat” kung “Sino sa mga Hot Babes members ang pinakamaldita?”

Ang diretsahang tugon ni Maui, “Ang number one na medyo nagkakaroon kami ng friction with before and we always say this naman sa interviews, it was really Jen Rosendahl.”

Ayon sa aktres, isa sa mga dahilan daw ay ang kinagisnang kultura ni Jen sa kanilang bansa na ibang-iba sa kaugalian ng mga Pinoy.

“She’s German e. Half-German, half-Filipino so ‘yung orientation nung attitude is very different.

“Very straightforward, which during that time, of course, the culture is different, we weren’t really used to it e. So feeling namin parang sa kanya lagi nagkakaroon ng friction,” esplika ni Maui.

Baka Bet Mo: Maui Taylor nabastusan ba sa brutal na tanong ng male fan tungkol sa pagpapaligaya sa sarili?

Pero mabilis namang nilinaw ni Maui na noon pa yun at naiintindihan na nila ngayon ang ugali ng isa’t isa lalo pa’t halos lahat sila sa Viva Hot Babes ay mga mommy na kaya nag-mature na rin ang mga pananaw nila sa buhay.

“Pero now that we’ve matured, mommies na, we’re all friends, we’re all good friends,” pahayag pa ni Maui.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jen Rosendahl (@jenrosendahl)


Matatandaang nilisan pansamantala ng aktres ang showbiz para tutukan ang pag-aalaga sa kanyang dalawang anak, sina Antoine Miguel at Matteo Alonzo.

“I wanted to be there and guide my kids. Sabi nila, you have until seven years old to instill the right values to your kids.

“Ako naman, why wait till seven? Bata pa lang, teach them what they need to know. The right thing to do. So now, I can leave them alone.”

“But they’re still in that age that they still go to me most of the time. When I became a mom, I became more responsible. Nawala na ang gimik. I would still go out from time to time, but not like before. I became more focused as a mother.”

Tungkol naman sa pagiging sexy actress, “As long as hindi ako nakikita ng tao na dressed up in sexy clothes or nagwawala in public, I’m good with that. I guess that will say a lot. Action always speaks louder than words.”

Maui Taylor hiwalay na sa ama ng mga anak, sa iisang bahay pa rin nakatira

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Viva artist Rose Van Ginkel naiyak sa presscon; Janno payag makipagchurvahan sa lesbian, pero…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending