Bitoy sa pagbabalik ng original cast ng 'Pepito Manaloto': Kumbaga sa dining, i-wet mo uli ang appetite nila para hindi magsawa | Bandera

Bitoy sa pagbabalik ng original cast ng ‘Pepito Manaloto’: Kumbaga sa dining, i-wet mo uli ang appetite nila para hindi magsawa

Ervin Santiago |June 13,2022
facebook
share this

Bitoy sa pagbabalik ng original cast ng ‘Pepito Manaloto’: Kumbaga sa dining, i-wet mo uli ang appetite nila para hindi magsawa

Ervin Santiago - June 13, 2022 - 08:04 AM

Jake Vargas, Michael V, Manilyn Reynes at Angel Satsumi

TALAGANG inabangan namin last Saturday night, June 11, ang pagbabalik ng original cast sa book 3 ng “Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento” ng GMA 7.

Last year, umere ang book 2 ng  Kapuso comedy show kung saan napanood ng publiko ang prequel nito na pinagbidahan nina Sef Cadayona, Mikee Quintos, Kokoy de Santos, Pokwang at Gladys Reyes.

Dito, pasulput-sulpot lang ang mga dating bida na sina Michael V at Manilyn Reynes dahil naka-focus at umiikot talaga ang kuwento sa kanilang young version na ginagampanan nga nina Sef at Mikee.

Kaya naman nawala nga ang original cast na kinabibilangan nina Jake Vargas, Angel Satsumi, John Feir, Ronnie Henares, Arthur Solinap, Mosang, Janna Dominguez, Jen Rosendahl at Chariz Solomon.

Sa panayam ng entertainment press kay Bitoy sa ginanap na virtual presscon ng “Pepito Manaloto: Tuloy ang Kuwento” sinabi nitong kailangang meron silang laging bagong ihahain sa manonood para hindi sila pagsawaan.

“Ngayon kasi, kung paulit-ulit ka lang, parang feeling ko parang nawawalan na ng excitement, taken for granted na yung show ninyo.

“So, for the audience to feel that way again, kailangan medyo kumbaga sa dining, i-wet mo uli ang appetite nila.

“Hindi puwedeng ganoon ka na lang, stagnant ka na lang all throughout.

“Dapat may ibang phase o may ibang pagdadaanan yung mga characters para mas maintindihan at ma-appreciate nila yung takbo ng kuwento,” paliwanag ni Bitoy.

At in fairness, talagang na-miss nga ng viewers ang dating cast ng “Pepito Manaloto” dahil bukod sa taas ng rating nito last Saturday ay trending din ito sa social media.

Samantala, sa nasabi ring mediacon nagpaliwanag si Bitoy tungkol sa bagong version ng longest-running gag show ng GMA, ang “Bubble Gang.”

Natanong kasi ang Kapuso comedy genius kung nasanay na siya sa pagpapaalam sa mga nakakasama niya sa isang project para palitan ng mga bagong artist.

“Parang tungkol sa Bubble Gang ‘yan, ah. Ha-hahaha! Pero alam n’yo may iba’t ibang reasons naman kung bakit kinakailangang mawala yung characters, o yung mga artista, or cast sa bawat show na ginagawa ko.

“And hindi lang naman iisa yung dahilan. Hindi lang naman isa yung pinanggagalingan ng dahilan. More often than not, ano iyan, network decision. And we always respect that,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Michael V. 🇵🇭 (@michaelbitoy)


“I’m pretty sure yung ibang mga cast na hindi na natin kasama, alam din nila iyon. Ako naman, palaging nakasuporta din naman at sampu ng aking mga kasama dito sa show.

“Lahat naman kami nakasuporta sa kanila. Pag kailangan nila kami, nandito pa rin naman kami. Nasa grupo pa naman kami ng Viber and we’re just a call away. It’s not easy, but it’s inevitable,” diin niya.

Ilan sa mga nawala na sa “Bubble Gang” sina Antonio Aquitania, Mikoy Morales, Lovely Abella, Liezel Lopez, Denise Barbacena, Arra San Agustin, Ashley Rivera, Diego Llorico at Myka Flores.

Ang mga pumalit naman sa kanila ay sina Kokoy de Santos, Tuesday Vargas, Faith Da Silva, Dasuri Choi at Kim de Leon.

Maswerte ring nanatili sa show sina Chariz Solomon, Betong Sumaya, Sef Cadayona, Valeen Montenegro, Archie Alemania, Analyn Barro, Faye Lorenzo, Diego Llorico, Kokoy de Santos at Paolo Contis.

https://bandera.inquirer.net/315502/bitoy-direktor-na-ng-pepito-manaloto-original-cast-members-tuwang-tuwa-sa-pagbabalik-nila-sa-show

https://bandera.inquirer.net/290873/hindi-mawawala-sa-ere-ang-pepito-manaloto-at-hindi-rin-ako-lilipat-ng-network

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/288594/bitoy-payag-nang-magtrabaho-sa-labas-basta-priority-namin-ang-safety-ng-lahat-ng-tao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending