Maui Taylor hiwalay na sa ama ng mga anak, sa iisang bahay pa rin nakatira | Bandera

Maui Taylor hiwalay na sa ama ng mga anak, sa iisang bahay pa rin nakatira

Therese Arceo |January 28,2023
facebook
share this

Maui Taylor hiwalay na sa ama ng mga anak, sa iisang bahay pa rin nakatira

Therese Arceo - January 28, 2023 - 04:17 PM

Maui Taylor hiwalay na sa ama ng kanyang anak, sa iisang bahay pa rin nakatira

INAMIN ng sexy star na si Maui Taylor na hiwalay na sila ng ama ng kanyang dalawang anak.

Sa panayam sa kanya sa premiere ng pelikulang “Hello, Universe” noong Martes, January 24 ay sinabi niya na tuluyan na silang nag-break ng dating karelasyon.

“Hindi na kami nag-uusap. We’re co-parenting. We’re in one house but I sleep in a different room. Matagal nang ganoon ang set-up. Walang pakialaman. No questions asked,” pagbabahagi pa ni Maui sa interview ng GMA Network.

Dagdag pa niya, “Hanggang seven years na good run din, tapos yung last three wala na.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maui Anne Taylor (@therealmauitaylor)

Naitanong rin sa dating Viva Hot Babes member kung ano ang sabi ng mga anak nila sa kanilang naging set-up.

Sagot ni Maui, “Wala, kasi in front of the kids, we act normal. Kumbaga, sa dinner table, small talk, usap. May vertigo naman talaga. Ang sinasabi ko lang, malikot silang matulog, hindi ako makakatulog, mahihilo ako.

“May vertigo naman talaga. Ang sinasabi ko lang, malikot silang matulog, hindi ako makakatulog, mahihilo ako. So, maggu-good night lang sila sa gabi.”

Natanong rin siya kung nawawala nga ba ang pagmamahal.

Sey ni Maui, “Oo naman! Kumbaga, kapag walang growth ang isang relationship, nag-try naman kami [na ayusin ang problema], pero siguro masyado nang malalim yung cause ng problem kaya hindi na magawa na ihakbang pa.”

Nilinaw rin ng aktres ang espekulasyon na handa na siyang pumasok sa panibagong relasyon kaya bigla na lang niyang inamin na hiwalay na sila ng dating karelasyon.

“Ay, hindi rin! Kahit naman in a relationship ka, generally speaking, kapag gusto ka ng isang tao, may mag-e-express. Nasa iyo na lang yun kung ano ang gagawin mo about it,” sabi ni Maui.

Pagpapatuloy pa niya, “Hindi naman ako pangit. Pleasant naman ako na tao, so meron at meron times [na may nagpaparamdam], it’s just that dedma ka lang.”

Ani Maui, hindi naman lubos na nakaapekto sa kanya ang kanilang paghihiwalay pero inamin niyang nakaramdam siya ng lungkot noong nangyari ang hiwalayan.

“Sinabihan niya ako na, ‘I know I cannot make you happy.’ Sabi niya, ‘Sabihan mo na lang ako kapag may nahanap ka.’ I never wanted to get married, to begin with. I am not the marrying type.

“Okay na ako, two kids lang, okay na yan. It’s always a personal choice. Parang growing up, yun na ang nasa isip ko,” lahad pa ni Maui.

Nagbigay naman siya ng payo sa ibang mga netizens na katulad rin ng kanyang sitwasyon.

“Magtira ka ng para sa sarili mo. Yun ang ginawa ko so I think that’s the reason why I am okay. Sabi nga nila, it’s okay not to be okay. Leave something for yourself kasi yun ang makakatulong sa yo in the worst case scenario.”

Related Chika:
Maui Taylor nabastusan ba sa brutal na tanong ng male fan tungkol sa pagpapaligaya sa sarili?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Janno tinablan ba sa ‘threesome love scene’ kasama sina Maui at Rose Van sa ’69+1′?

Maui hindi kayang pasukin ang porn industry: I could earn by doing something else

Hugot ni Maui sa sex scenes nila ni Rose sa ’69+1′: Siyempre kapag bago, masarap…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending