Sheree tinangkang hipuan: Sinampal ko siya, nabasag bracelet ko!

Sheree tinangkang hipuan: Sinampal ko! Basag bracelet ko sa mukha niya!

Ervin Santiago - June 27, 2024 - 09:12 AM

Sheree tinangkang hipuan: Sinampal ko! Basag bracelet ko sa mukha niya!

Katya Santos, Sheree at Boy Abunda

MARAMING hindi malilimutang karanasan ang sexy actress-singer na si Sheree noong kasagsagan ng kasikatan ng grupo nilang Viva Hot Babes.

Tandang-tanda pa ng celebrity mom ang isang insidente kung saan tinangka siyang hipuan ng isang lalaki nang mag-perform sila sa isang event.

Kuwento ni Sheree sa Wednesday episode ng “Fast Talk With Boy Abunda”,  hindi niya malilimutan ang tagpong yun dahil nabasag daw ang suot niyang bracelet matapos sampalin ang manyak na lalaking nasa audience.

“Parang ‘yung naunang artist sa amin, naunang artist, hinawakan. Tapos nakita ko.

Baka Bet Mo: ‘Because of You’ singer Keith Martin natagpuang patay sa tinitirhang condo

“Eh, nu’ng nakita ko gusto pa niyang hawakan ‘yung (katawan ko) so nu’ng pagdating niya sa akin hindi na niya natuloy,” pagbabahagi ng aktres na napapanood ngayon sa Kapuso primetime series na “Black Rider” na pinagbibidahan ni Ruru Madrid.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 𝒮𝒽𝑒𝓇𝑒𝑒 (@shereevb420)


“Sinampal ko Tito Boy, nabasag ‘yung bracelet ko sa mukha nu’ng (lalaking manghihipo),” dugtong ni Sheree.

Samantala, naichika rin ni Sheree ang tungkol sa pakiusap sa kanya ng anak na si Haley na tumigil na sa paggawa ng sexy projects.

“Kasi one time pumunta kami sa school niya, merong lumapit, ‘I watched your movie!’ Tapos sabi ko, ‘What movie?’” pag-alala ng aktres.

Binanggit ng kausap niya ang titulo ng pelikula at shocked si Sheree. Huwag na raw nitong banggitin uli ang movie dahil baka marinig ng kanyang 16-years-old na anak.

Baka Bet Mo: Sheree ayaw nang ibuyangyang ang boobs, nahihiya na sa anak

“So, sabi ng anak ko, ‘What happened?’ Tapos in-explain ko sa kanya. Sabi niya sa akin ‘I want to sit down with you and talk to you.’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 𝒮𝒽𝑒𝓇𝑒𝑒 (@shereevb420)


“We sat down and then he said, ‘Mom I just have one request.’ I said ‘What?’ ‘You can still do ‘yung mga sexy but can you not do the, Vivamax, the bold?’” pakiusap daw sa kanya ni Haley.

“Sabi ko, ‘Yeah, I just tried lang naman even before you told me, I already decided to move to more serious projects,” sey pa ng isa sa mga original member ng Viva Hot Babes.

Naibahagi rin ni Sheree na maayos ang co-parenting set-up nila ng dating partner na si Gian Magdangal para sa anak nilang si Haley after nilang maghiwalay noong 2013.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nakasama ni Sheree noon sa  Katya, kabilang din  Viva Hot Babes sina Katya Santos, Maui Taylor, Andrea Del Rosario, Gwen Garci, Jen Rosendahl at iba pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending