Andrea pinagsisihan ba ang paghuhubad at pagiging Hotbabes?

Andrea pinagsisihan ba ang paghuhubad at pagiging Viva Hotbabes?

Ervin Santiago |May 15,2024
facebook
share this

Andrea pinagsisihan ba ang paghuhubad at pagiging Viva Hotbabes?

Ervin Santiago - May 15, 2024 - 09:00 AM

Andrea pinagsisihan ba ang paghuhubad at pagiging Viva Hotbabes?

Andrea del Rosario

WALANG pinagsisisihan ang original Viva Hotbabes na si Andrea del Rosario sa ginawa niyang paghuhubad at pagpapa-sexy noon sa kanyang past projects.

Malaki ang utang na loob niya sa Viva Entertainment lalo na kay Boss Vic del Rosario, na nagbigay sa kanya ng pagkakataon na maging bahagi ng entertainment industry.

Sabi ni Andrea, siguro raw ay wala siya sa estado niya ngayon sa mundo ng showbiz kung ibang daan ang tinahak ng kanyang career noon.

Baka Bet Mo: Adrian Alandy naluha nang aminin ang isang bagay na pinagsisisihan niya hanggang ngayon

Ayon sa aktres at celebrity mom, bukod sa Viva, napakalaking bahagi rin ng kanyang karera ang mga TV network at iba pang movie companies dahil sa mga opportunities na ibinibigay sa kanya mula noon hanggang ngayon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andrea Del Rosario (@andreadelrosario_official)


“They’ve just been giving me all these wonderful projects here and there, and I just probably have this certain look that’s ok for a role, and then nabibigyan lang ako ng maraming chances,” pagbabahagi ni Andrea sa “Updated with Nelson Canlas” podcast.

Aminado naman si Andrea na may mga pinagsisisihan din naman siya sa naging desisyon niya noon sa kanyang career, kabilang na ang mga pelikulang ginawa niya na sana raw ay hindi niya pinatulan.

“May mga projects siguro na ‘Should I have done that?’ mga ganu’n. I don’t look at it as something bad, it’s a learning experience ang tawag du’n.

“I learned from it, so it’s not a mistake. I teach my daughter not to regret din but just be mindful of the consequences when you make choices. We just learn so wala, wala namang regrets,” paliwanag niya.

Baka Bet Mo: Sheree ayaw nang ibuyangyang ang boobs, nahihiya na sa anak

Sa tanong kung may babaguhin ba siya sa naging takbo ng kanyang career, “Siyempre, I wouldn’t have done it, but I don’t regret that I did it because I wouldn’t be where I am right now if I chose a different path.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andrea Del Rosario (@andreadelrosario_official)


Paliwanag pa niya, “Siguro si God na lang ang magja-judge kung ano ‘yung nasa puso ko at that time when I considered it.

“I don’t really care what other people say about it, the stigma that went with it because like what I said earlier, at least I was also given a chance to prove myself, that I am more than just that,” esplika ng aktres.

Samantala, wish ni Andrea na maabot din ang tagumpay ng mga dating sexy star na naging haligi na ng entertainment industry dahil sa taglay nilang talento sa pag-arte kabilang na nga riyan ang yumaong Cannes Film Festival Best Actress na si Jaclyn Jose.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Marami pa akong shows na I hope that I ‘ll be part of. I hope I’ll still be given the opportunity to hone my skills and to really showcase whatever talent I have,” sey ni Andrea.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending