Jaclyn Jose binigyang-pugay sa 'In Memoriam' ng Oscars 2025

Jaclyn Jose binigyang-pugay sa ‘In Memoriam’ ng Oscars 2025

Ervin Santiago - March 04, 2025 - 11:13 AM

Jaclyn Jose binigyang-pugay sa 'In Memoriam' ng Oscars 2025

Jaclyn Jose

KASAMA ang yumaong award-winning actress na si Jaclyn Jose sa mga kilalang celebrities na binigyang-pugay sa “In Memoriam” tribute ng 97th Acdemy Awards.

Isa-isang ipinakita ang mga litrato ng mga namayapang alagad ng sining sa katatapos lamang na Oscars awards night para sa kanilang “2024-2025 In Memoriam”.

Kabilang nga riyan ang mga pumanaw na Hollywood personalities na sina Gene Hackman, Maggie Smith, Gena Rowlands, Michelle Trachtenberg, Shannen Doherty at Olivia Hussey.

“The Academy honors friends and colleagues we lost over the last year. Take a moment to remember the artists and filmmakers we lost in 2024-2025,” ang nakasaad naman sa caption ng post ng Oscars sa kanilang official social media account.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jaclyn Jose (@jaclynjose)


Siyempre, abot-langit ang tuwa at pasasalamat ng anak ni Jaclyn na si Andi Eigenmann sa importansiya at pagpapahalagang ibinigay ng Oscars sa pinakamamahal niyang ina.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Andi ang screenshot mula sa Oscars website, kung saan makikita ang pangalan at litrato ni Jaclyn Jose kasama ang iba pang artistang pumanaw nitong nakaraang taon.

“My nanay is among other Hollywood artists and filmmakers who are remembered by The Academy this year,” ang nakalagay sa caption ng post ni Andi.

Naging mas makahulugan at makabuluhan pa ang pagpupugay sa pumanaw na veteran actress at movie icon dahil ngayong buwan din ginugunita ang kanyang first death anniversary.

Namatay si Jaclyn sa loob ng kanilang bahay sa Quezon City dahil sa heart attack sa edad na 60.

Kinilala ang husay niya bilang aktres hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa, tulad ng pagkapanalo niya bilang Best Actress sa 2016 Cannes Film Festival para sa pagganap niya sa pelikukanh “Ma’Rosa” ni Brillante Mendoza.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending