'Balls' ni Jomari hinawakan ng fans noong kasikatan ng Gwapings; Carmina 'nahipuan' sa mall show | Bandera

‘Balls’ ni Jomari hinawakan ng fans noong kasikatan ng Gwapings; Carmina ‘nahipuan’ sa mall show

Ervin Santiago |October 23,2023
facebook
share this

‘Balls’ ni Jomari hinawakan ng fans noong kasikatan ng Gwapings; Carmina ‘nahipuan’ sa mall show

Ervin Santiago - October 23, 2023 - 11:07 AM

'Balls' ni Jomari hinawakan ng fans noong kasikatan ng Gwapings; Carmina 'nahipuan' sa mall show

Eric Fructuoso, Mark Anthony Fernandez at Jomari Yllana

NAKARANAS din ng iba’t ibang klase ng harassment noon ang mga miyembro ng grupong Gwapings na sina Jomari Yllana, Mark Anthony Fernandez at Eric Fructuoso.

May mga pagkakataon daw na nasasaktan at nahihipuan sila ng mga fans lalo na kapag sumasabak sila sa mall shows at out-of-town trips and performances.

Naikuwento ng dalawang Gwapings na sina Mark Anthony at Eric sa panayam ng nakaraang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” ang ilan sa mga hindi kagandahang karanasan nila sa mga fans.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Fast Talk with Boy Abunda (@fasttalkgma)


Ayon kay Eric, grabe raw talaga ang dagsa at pagkakagulo ng mga tao kapag meron silang mga live events, kabilang na nga ang mall show at premiere nights.

At dahil dito, naramdaman nila na totoo palang sumikat din sila noon. May mga pagkakataong pa nga raw na feeling nila ay lumelebel sila sa kasikatan ng Beatles dahil sa mga naging experience nila bilang mga miyembro ng Gwapings.

Baka Bet Mo: Jomari Yllana may ‘template’ nga ba sa bawat babaeng minamahal, sey ni Cristy: Parang walang sinseridad?

Pero pag-amin ni Eric, “May mga negative kasi na pangyayari, hindi maganda like ‘yung sasabunutan ka.”

“Anong ginagawa n’yo noon kapag halimbawa bigla ka na lang sinasabunutan?” Tanong ni Tito Boy kay Eric.

“Wala, e. Wala, ganu’n talaga, e,” tugon ng aktor.

Naalala pa ni Eric na sa isang mall show ng Gwapings ay may mga nanghawak sa “balls” ni Jomari na parang namimitas ng prutas.

“May time si Jomari, si Jomari hawak siya ng mga pulis dahil may hawi boys, di ba? Hawak si Jomari dito (kaliwang balikat), hawak si Jomari dito (kanang balikat).

“Pumapalag si Jom! ‘Bitawan n’yo ‘ko, bitawan n’yo ‘ko.’ Kasi merong tao na hinahawakan naman siya ganoon (itinaas ang kamay na parang may pinipitas),” chika pa ni Eric.

Kahit nga raw ang TV host-actress na si Carmina Villaroel ay naharas din ng mga fans sa isang mall show ng kanilang grupo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jomari Yllana (@jomariyllana)


Pag-alala ni Mark Anthony, “One time, naalala ko si Carmina, parang nahipuan siya ng isang fan. Tapos, medyo in-apprehend namin. Kasi part siya ng Gwapings movie noong time na ‘yun, e.”

Baka Bet Mo: Andre Yllana proud Mama’s Boy, sinusunod lahat ng utos ni Aiko: ‘Ang bilin niya lagi, huwag daw muna siyang bibigyan ng apo’

Samantala, naikuwento rin nina Mark Anthony at Eric ang mga nagawa nilang sablay sa buhay na sana’y huwag na raw gawin ng mga anak.

“‘Yung mawala sa workout, sa gym, sa sports,” ani Mark Anthony. “Kasi may time na nawala ako sa sports, ‘yung keeping healthy. Dapat continuous lang ‘yon.”

Para naman kay Eric, “Siguro huwag magtiwala sa mga tao, kasi ang dapat pagkatiwalaan mo lang ang sarili mo. Kasi sa buhay, hindi natin masabi. You know how life is naman, ‘di ba?”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Payo naman ni Eric sa mga anak, huwag daw matakot magkamali, “If it ever happens, okay lang magkamali, just fail forward.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending