Mga miyembro ng SexBomb Girls hinihipuan, tsinatsansingan ng fans, kaya tinatakpan ang private parts pag-akyat at pagbaba ng stage | Bandera

Mga miyembro ng SexBomb Girls hinihipuan, tsinatsansingan ng fans, kaya tinatakpan ang private parts pag-akyat at pagbaba ng stage

Ervin Santiago |September 19,2023
facebook
share this

Mga miyembro ng SexBomb Girls hinihipuan, tsinatsansingan ng fans, kaya tinatakpan ang private parts pag-akyat at pagbaba ng stage

Ervin Santiago - September 19, 2023 - 10:03 AM

Mga miyembro ng SexBomb Girls hinihipuan, tsinatsansingan ng fans, kaya tinatakpan ang private parts pag-akyat at pagbaba ng stage

Aira Bermudez, Boy Abunda at Sugar Mercado

MAY dahilan pala kung bakit palaging magkakayakap at pila-pila ang mga original members ng SexBomb Girls kapag pumapasok at umaalis sa venue ng kanilang mga shows.

Kinumpirma nina Aira Bermudez at Sugar Mercado na may mga pagkakataong hinihipuan na sila noon ng ilang male fans na gigil na gigil sa kanila.

Kaya naman sa tuwing lalabas at aalis ng stage ang Sexbomb Girls ay makikita ng mga tao na laging magkakayakap ang mga miyembro nitong sina Aira, Sugar, Rochelle Pangilinan, Jopay Paguia, Izzy Trazona at marami pang iba.

Sa guesting nina Aira at Sugar sa “Fast Talk with Boy Abunda” naikuwento nga nila na ilang beses din silang natsatsansingan at nahihipuan ng fans.

“Kasi, ‘yung ibang fans namin, dahil mabait kami sa fans namin, tini-treat namin sila na parang pamilya at friends namin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Eiraliz Bermudez-Inovero (@airabermudez)


“‘Yung iba sa kanila, nag-take advantage. ‘Tapos, ‘yung iba naman, nangyayari sa situation na may performance kami, umaabot na sa hipuan,” chika ni Aira.

Sey naman ni Sugar, “Kaya, Tito Boy, ang ginagawa namin, isa-isa, pila-pila kami, magkakayakap, hawak namin yung mga bahagi ng katawan namin, papasok at papalabas ng stage.”

Baka Bet Mo: Kylie Verzosa mas tumaas ang respeto sa mga ‘sugar baby’, kinarir ang pagda-diet para sa pagsusuot ng 2-piece bikini

In fairness, halos lahat ng miyembro ng SexBomb Girls ay maaayos na ang buhay. Sabi nga nina Aira at Sugar, “happy and contented” na sila sa kanilang buhay ngayon.

Si Aira ay naka-base na sa Adelaide, Australia, kasama ang kanyang asawang Australian habang si Sugar naman ay patuloy na nagtatrabaho para sa dalawa niyang anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by The SexBomb Girls (@sbgirls.ph)


Sey ni Aira, “So, nag-decide na ako na kahit anong peak ng career ko dito, kung malayo ako sa mahal ko sa buhay, mas pipiliin ko na lang na kasama mo siya.”

Umuwi raw siya ng Pilipinas dahil namatay ang kanyang ina noong September 8, dalawang araw matapos ang kanyang kaarawan, “Birthday ko nu’ng na-ICU siya kaya sobrang nag-struggle ako that day.”

Samantala, sabi naman ni Sugar, walong taon na siyang single (by choice) matapos ang nangyari sa kanila ng kanyang ex-husband. Sa ngayon, nag-eenjoy naman si Sugar sa pagiging single at working mom.

Ayon pa sa dancer at TV host, marami rim siyang pinagdaanang matitinding hamon sa buhay pero para sa kanya ang “lowest point” daw ay nang hindi niya nagawang magkaroon ng kumpletong pamilya.

“Wala naman sa atin na gusto na watak-watak ‘yung family, pero naintindihan ko si Lord why, para maging strong ako para sa mga anak ko,” ani Sugar.

Ito naman ang maibibigay niyang payo sa dalawang anak, “Kung magmamahal kayo, wag niyo gawing mundo.”

Mag-asawa, 3 anak patay sa sunog, natagpuan ng mga rumespondeng fire marshall na magkakayakap

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kylie mas type na kaibigan na lang si Marco kesa maging dyowa: ‘OK na ako sa kung anong meron kami ngayon’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending