Mag-asawa, 3 anak patay sa sunog, natagpuan ng mga rumespondeng fire marshall na magkakayakap
BUMUHOS ang mensahe ng pakikiramay at pagdadalamhati mula sa mga netizens para sa mga naulila ng pamilyang nabiktima ng sunog sa Pozorrubio, Pangasinan.
Kinilala ang mag-asawang nasawi na sina Mark Villanueva at Dexie Ann, at ang tatlo nilang mga anak na sina McXencie, 6 anyos; Keziah, 2 anyos; at McKaire, 1 taong gulang.
Ayon sa inisyal na pagsisiyasat, maaaring ang pinagmulan ng sunog ay ang na-overcharge na electronic bike sa bahay ng mga biktima sa Poblacion, District IV, Pozorrubio, Pangasinan.
Naganap ang sunog madaling-araw nitong nagdaang April 3 at umabot ito sa ikalawang alarma na tumagal ng mahigit dalawang oras bago idineklarang fire out.
Baka Bet. Mo: Ruffa Gutierrez sumagot sa paratang ni Rowena Guanzon: I did not fire anyone
Base ulat ni Senior Fire Officer IV Randy Fabro, ang acting municipal fire marshal ng Bureau of Fire Protection Pozorrubio, nagre-review umano para sa medical board exam si Mark at ntutulog na ang mga kasama nito sa bahay nang mangyari ang trahedya.
Sa kuwento ng kapatid ni Mark na si Luke sa mga otoridad, kinatok pa raw ni Mark ang kuwarto nila at ng kanilang mga magulang at sinabihang lumabas na dahil nasusunog na ang kanilang bahay.
Pagkatapos nito ay binalikan pa niya ang asawa’t mga anak, pero hindi na nila nagawang makalabas dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy.
“Hindi ko po alam na yung Kuya ko pala, hindi pa nakaakyat. Ang alam ko po, na-secure na po niya yung family niya bago siya nag-warning sa amin,” pagbabahagi ni Luke.
Sabi naman ni SF04 Fabro, natagpuan nila sa nasunog na bahay ang mga biktima na magkakayakap matapos ngang ma-trap ang mga ito sa attic.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, sa garahe ng bahay ng mga biktima nagsimula ang apoy at hinihinalang sa electronic bike na itsina-charge ang naging sanhi ng sunog.
Maraming netizens naman ang nagbigay babala sa lahat ng mga may e-bike na nagsabing hindi ito dapat iniiwan habang itsina-charge dahil mabilis daw itong mag-overheat.
Sabi naman ng isang nagkomento sa malagim na pangyayari, may insidente raw kung saan isinakay ng may-ari ng e-bike sa elevator at makalipas lamang ang ilang minuto ay sumabog ito.
Angeline pangarap maka-graduate ng college; gustong magtayo ng resto sa Pangasinan
Pangasinan iwas-bird flu, bawal muna ang pagpasok ng poultry products
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.