Sunshine Dizon nagluluksa sa pagkamatay ng ama: I will always be Papa's girl | Bandera

Sunshine Dizon nagluluksa sa pagkamatay ng ama: I will always be Papa’s girl

Therese Arceo |March 23,2023
facebook
share this

Sunshine Dizon nagluluksa sa pagkamatay ng ama: I will always be Papa’s girl

Therese Arceo - March 23, 2023 - 09:01 PM

Sunshine Dizon nagluluksa sa pagkamatay ng ama: I will always be Papa's girl
LABIS na pagdadalamhati ang nadarama ngayon ng Kapuso star na si Sunshine Dizon sa paglisan ng kanyang amang si Isagani Bengson Dizon Jr.

Sa kanyang Instagram post kahapon, March 22, ibinahagi niya ang sakit na nadarama dahil sa pagpanaw ng kanyang ama nitong Lunes, March 20.

“I love you Papa. I never knew this kind of pain and longing. I will always be a Papa’s girl,” saad ni Sunshine kalakip ang larawan nilang mag-ama habang yakap yakap niya ito mula sa likod.

Muli itong nag-post sa kanyang IG account ngayong Huwebes, March 23 kalakip ang plain black picture.

“About to board the most painful flight i will ever take. No more Papa’s big smile and warm hug to welcome me,” sey ni Sunshine.

Humingi rin ito ng dasal mula sa madlang pipol para sa kanyang ama at para na rin sa karagdagang lakas para sa kanyang mga kapatid na nagdadalamhati rin sa pagkawala ng kanilang Papa Isagani.

Hiling ni Sunshine, “Please whisper a prayer for My Papa Isagani Bengson Dizon Jr. who died peacefully in his sleep March 20, 2023. Please pray for strength for my two siblings Sami and Isabel Dizon and the whole family.”

Baka Bet Mo: Sunshine Dizon kinukwestiyon pa rin ang sarili sa paghihiwalay nila ng asawa: Saan ako nagkulang?

Nagpasalamat rin ito sa mga taong nagpadala ng mensahe ng pakikiramay sa kanya at sa kanyang pamilya.

Ani Sunshine, “Thank you to those who called, messaged me personally, left messages and to those whom we personally do not know and yet sent their sympathies, thank you.”

Hindi naman binanggit ng aktres kung ano ang naging sanhi ng pagkamatay ng kanilang ama.

Ilan sa mga nag-comment ay sina Karylle, Jake Ejercito, at Chynna Ortaleza.

[Sunshine IG]

“Praying with [yo]u sister,” sey ni Karylle.

Sagot ni Sunshine, “Thank you sister and yael sa paghanap ng flight ko. Love you.”

Mensahe naman ni Chynna, “Our condolences @m_sunshinedizon praying for the whole family.”

“Safe flight ate, yakap nang mahigpit,” komento naman ni Jake Ejercito.

Related Chika:
Sunshine Dizon na-hurt sa mga tumawag sa kanya ng ‘walang utang na loob’ at ‘pera-pera lang ang laban’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Basher na kumontra sa pagbabalik ni Sunshine Dizon sa GMA supalpal: ‘Wag kuda nang kuda, ‘wag masyadong nagmamarunong’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending