Sunshine Dizon na-hurt sa mga tumawag sa kanya ng ‘walang utang na loob’ at ‘pera-pera lang ang laban’
MASASAKIT at maanghang na salita ang isinalubong ng mga bashers kay Sunshine Dizon nang ibandera niya ang balitang magbabalik na siya sa GMA 7.
Ang chika, nilayasan daw ng aktres ang Kapuso network dahil hindi na ni-renew ang contract niya sa GMA 7, na naging tahanan niya sa loob ng 25 years.
April, 2021 nang pumirma ng kontrata si Sunshine sa ABS-CBN at nakagawa nga ng ilang proyekto sa network, kabilang na ang seryeng “Marry You, Marry Me” na pinagbidahan nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino.
Naging guest co-host din siya sa morning talk show na “Magandang Buhay” at umapir sa “It’s Showtime” at “ASAP Natin ‘To.”
Sunshine Dizon kinukwestiyon pa rin ang sarili sa paghihiwalay nila ng asawa: Saan ako nagkulang?
At makalipas nga ang halos tatlong taon, nagdesisyon si Sunshine na magbalik-Kapuso. Makakasama siya sa upcoming action-adventure series na “Mga Lihim Ni Urduja.”
Hindi pa man nagsisimulang mag-shooting ang aktres ay kaliwa’t kanang batikos at pang-ookray ang ipinatikin sa kanya ng mga haters. Kesyo wala raw siyang loyalty at wala talagang utang na loob.
Sa unang pagkakataon, sinagot ni Sunshine ang mga isyu sa kanya nang mag-guest siya sa “Fast Talk with Boy Abunda” last Monday.
Diretsong tanong sa kanya ni Tito Boy, “Ito ang pinag-uusapan ng buong Pilipinas, ang iyong pag-alis sa GMA-7 at ang iyong pagbabalik. I asked you the question, bakit ka umalis at bakit ka bumalik?”
Tugon ni Sunshine, “Siguro, I think this is the opportune time to actually say something because I kept quiet that time.
“The truth is, I was offered a contract around September and for personal reasons, I opted not to sign immediately,” paliwanag niya.
“Somehow I felt like, you know, life happened, pandemic happened. I got lost along the way, I wanted to do a lot of things, I wasn’t unsure for what I wanted.
“And the next thing I knew was March happened, but then I was supposed to sign my new contract, but then… I think it’s more on I felt like I needed to grow, I needed the experience,” sabi pa niya.
“Tito Boy, I’ve dedicated more than half of my life to my home network, and this was the very, very first time that I would be allowed to work outside,” dugtong pa ni Shine.
Maayos din daw ang pag-uusap nila ng mga executives ng GMA noong magpaalam siya para lumipat sa ABS-CBN, “That’s why I said before nga na I never burnt bridges. All my nanays (mga GMA executives) everyone, I told them, I asked permission, I just wanted to grow.
“You know, when you’re always in a certain box, you’re always in your comfort zone, how will you be able to grow? I want to experience something else,” sabi pa ng aktres.
Ulit na tanong ni Boy, “Bakit ka nagbalik?” Tugon ni Sunshine, “Because, actually, I don’t have a contract with them (ABS-CBN). I’m a freelancer. I’m free to work with anyone I want to.
“I’m turning 40 this year, and I actually like the feeling of that kind of freedom to actually work for anyone I would want to work with or anyone who would like to work with me,” paliwanag pa niya.
Pagpapatuloy pa niya, “Now that I’m back here, I honestly don’t know what this new chapter will bring me.
Sunshine Kapamilya na; bibida sa ‘Marry Me, Marry You’ kasama ang 2 pang dating Kapuso
“I also want to correct, because some people have said a lot of hurtful things that, you know, I wasn’t loyal, I wasn’t like this, pera-pera daw etcetera, etcetera. And then next, parang GMA, you know, was very happy to let me go,” sey ni Sunshine.
Paglilinaw pa niya, “I want to clarify, you know, when I was doing shows for the other network, I was actually being offered six soap operas here in GMA.
“I want to clarify, sa mundo natin, kahit anong gusto mong bumalik, kung walang offer, hindi ka makakabalik. That’s what our world is,” aniya pa.
Ngayong February na inaasahan ang pag-ere ng “Mga Lihim ni Urduja” na pagbibidahan ng mga Sang’gre ng “Encantadia” na sina Sanya Lopez, Gabbi Garcia at Kylie Padilla.
Ka-join din sa serye sina Jeric Gonzales, Kristoffer Martin, Vin Abrenica, Pancho Magno, Gina Pareño, Michelle Dee at Zoren Legaspi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.