Sunshine Kapamilya na; bibida sa 'Marry Me, Marry You' kasama ang 2 pang dating Kapuso | Bandera

Sunshine Kapamilya na; bibida sa ‘Marry Me, Marry You’ kasama ang 2 pang dating Kapuso

Ervin Santiago |April 30,2021
facebook
share this

Sunshine Kapamilya na; bibida sa ‘Marry Me, Marry You’ kasama ang 2 pang dating Kapuso

Ervin Santiago - April 30, 2021 - 02:47 PM

CONFIRMED! Kapamilya na nga ang dating Kapuso actress na si Sunshine Dizon.

Ilang araw makalipas kumalat ang balita na hindi na pumirma ng kontrata si Sunshine sa GMA, in-announce na ng ABS-CBN management ang paglipat ng aktres.

Sa Instagram page ng PPL Entertainment ni Perry Lansingan, ang nangangalaga sa career ni Sunshine, ibinandera na nito ang pag-ober da bakod ng kanilang alaga.

“Welcome, Kapamilya Sunshine!” ang maikling caption ng @PPLEntertainmentinc sa kanilang post. Sinundan pa ito ng tatlong iba’t ibang kulay na heart emoji na sumisimbolo sa logo ng ABS-CBN.

Kung matatandaan, nagsimulang mapabalita na lilipat na ng network si Sunshine nang mapansin ng mga netizens na wala ang pangalan ng aktres sa halos 100 bagong programa ng GMA 7. Kasunod nito ang chika na hindi na siya nag-renew ng kontrata sa network matapos ang huling serye niyang “Magkaagaw.”

Ilan pa sa hindi malilimutang projects ng aktres sa GMA ay ang “Anna Karen Nina,” “Bakekang,” “Encantadia” at “Ika-6 na Utos.”

Balitang ang magiging first project ni Sunshine sa ABS-CBN ay ang teleserye ng Dreamscape Entertainment na “Marry Me, Marry You” kung saan makakasama niya ang dalawa ring dating Kapuso na sina Janine Gutierrez at Paulo Avelino.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending