Truth or Charot? Basagin mga maling paniniwala tungkol sa fire safety
NGAYONG Fire Prevention Month, gamitin natin ang oportunidad na ito para basagin ang maling chika tungkol sa fire safety.
Ang mga kumakalat na misinformation tungkol sa fire safety ay hindi biro, kung hindi posible maging sanhi pa ng paglala ng isang sunog. Siyempre, iwas tayo sa maling impormasyon pagdating sa life or death situations.
Kaya ngayon, use your coconut para suriin kung truth ba ang mga fire safety tips na ito, o charot lang!
1. Truth or Charot?: Kapag may sunog sa kwarto, buksan ang pinto para mahanginan at humina ang apoy.
Sagot: Charot lang!
‘Pag may sunog sa kwarto at hindi ito mapatay gamit ang tubig o fire extinguisher, lumabas agad at isara ang pinto para matigil ang pagkalat ng apoy.
Don’t panic, bes! Ang sunog ay lumalaki kapag na-expose sa hangin. Dapat isara ang pinto ng kwarto para tumigil ang air circulation at hindi kumalat ang apoy sa buong bahay.
2. Truth or Charot?: Paninigarilyo sa loob ng bahay? I-go mo ‘yan!
Sagot: Charot lang!
Iwasan natin manigarilyo sa loob ng bahay dahil delikado kapag hindi ito na-dispose nang mabuti.
Kapag gustong manigarilyo, lumabas ng bahay o pumunta sa assigned smoking area ng establishment. Iwas na rin ito sa secondhand smoke na hindi safe sa health ng mga kasama sa bahay.
3. Truth or Charot?: Gumawa ng isang evacuation plan para keri ang mabilisang evacuation sa oras ng may sunog.
Sagot: Truth ‘yan!
Ang evacuation plan ay pwedeng gamitin ng isang establishment o pamilya para magkaroon ng konkretong plano o ideya kung paano maka-evacuate at makapunta sa mga areas na ligtas sa sunog.
Ito ay importante para sa pamilya na may mga bulilit upang maturuan sila ng tamang lugar na pupuntahan sakaling may sunog sa bahay.
BAKA BET MO: 8 bonggang KuryenTipid tips: ‘Get, get out! Shower tayo guys!’
4. Truth or Charot?: Kapag nagluluto sa kusina gamit ang deep fryer at biglang umapoy ang niluluto, buhusan lamang ng tubig upang patayin ang apoy.
Sagot: Charot lang!
Unlike ang ibang sunog sa nasa normal na surfaces katulad ng papel o kahoy, ang sunog na dulot ng mantika ay hindi dapat buhusan ng tubig.
‘Wag na ‘wag paghaluin ang tubig at langis! Ang mainit na mainit na cooking oil ay aapoy ‘pag binuhusan ng maraming tubig.
Takpan lamang ng isang metal na takip ang pan para mapatay ang apoy.
5. Truth or Charot?: Pwede gamitin ang kahit anong kulay na fire extinguisher sa lahat ng sitwasyon na may sunog.
Sagot: Charot lang!
Kagaya ng iba pang chemical products, kinakailangang basahin nang maigi ang labels ng mga fire extinguisher para malaman ang angkop na mga sitwasyon para gamitin.
Bigyan na rin ng monthly check up ang mga fire extinguishers sa loob ng establishment para siguraduhin na hindi pa sila expired o nag-solidify.
6. Truth o Charot?: Dapat nating siguraduhin na kasama ang ating mga furbabies sa ating evacuation plan.
Sagot: Truth ‘yan!
Sino ba naman ang makakalimot sa kanilang beloved furbabies? Siyempre kasali rin sila sa family evacuation plan.
Ang mga pets ay prone to panic kapag nakakarinig ng malakas na sounds o hectic na commotion sa kanilang environment. Dahil dito, maaari silang magtago o tumakbo palayo.
Para sure na ligtas ang ating mga alaga, alamin natin ang mga usual hiding spots nila para madali silang hanapin sa panahon na may sunog.
Fire safety expert ka na ba? Ilan ang tamang sagot na nakuha mo?
Palagi nating alalahanin ang mga importanteng fire safety tips para tayo’y maging ligtas sa panahon na may sunog.
RELATED CHIKA:
9 tips para makatipid ng tubig sa panahon ng tag-init
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.