Tips para ‘iwas-sunog’ ngayong Fire Prevention Month | Bandera

Tips para ‘iwas-sunog’ ngayong Fire Prevention Month

Pauline del Rosario - March 19, 2023 - 05:34 PM

Tips para ‘iwas-sunog’ ngayong Fire Prevention Month

BUKOD sa pagdiriwang ng International Women’s Month, minamarkahan din tuwing Marso ang “Fire Prevention Month” sa bansa.

Ayon kasi sa datos ng national statistics, ito ‘yung buwan na pinakamainit at may pinakamaraming naitatalang insidente ng sunog.

Ang nasabing okasyon ay nakapaloob pa mismo sa Proclamation No. 115-A na pinirmahan ng yumaong dating Pangulo na si Ferdinand Marcos noong 1966.

Nakasaad pa sa proklamasyon na ang Bureau of Fire Protection (BFP) ay ang ahensya ng gobyerno na inatasang pigilan at sugpuin ang sunog, imbestigahan ang mga sanhi nito, pati na rin ang pagpapatupad ng tinatawag na “Fire Code” at mga kaugnayan na batas.

Ang BFP national headquarters ay matatagpuan sa Barangay Pag-asa, Quezon City.

At siyempre, kahit mayroong ahensyang nangangasiwa sa mga ganitong klaseng insidente ay kailangan pa ring maging alerto, responsable at maging maingat ang bawat mamamayang Pilipino.

Baka Bet Mo: ‘Gen Z 101’: Mga salitang pak na pak sa mga kabataan ngayon

Narito ang ilang tips upang makaiwas laban sa sunog:

MGA HINDI DAPAT GAWIN

  • Ipinapatong ang mga kandila at gasera sa kahon, papel at plastik na lagayan.

  • Itinatapon kung saan-saan ang mga upos ng sigarilyo o nasindihang sigarilyo.

  • Ikinakabit sa iisang extension cord ang maraming appliances na tinatawag na “Octopus Connection.”

MGA DAPAT GAWIN

  • Ugaliin ang palagiang paglilinis ng bahay.

  • Bantayan ang mga nilulutong pagkain, lalo na kung nagpiprito.

  • Siguraduhing nahugot mula sa mga saksakan ang appliances tuwing aalis ng bahay.

Sakali namang may nakitang usok o apoy, dapat sabihin ito sa nakakatanda at lisanin kaagad ang bahay.

Hindi dapat magtago sa ilalim ng kama o sa loob ng banyo.

Paalalahanan din dapat ang mga bata na huwag nang bumalik sa loob ng bahay sa mga ganitong sitwasyon.

Maaari namang mapatay ang maliliit na apoy sa pamamagitan ng “nonflammable” items o hindi nasusunog na bagay, gaya ng takip ng palayok o basang tuwalya o kumot.

Ang paggamit ng tubig upang maapula ang apoy ay para lamang sa mga “nonelectrical fires” at apoy na hindi dulot ng gasolina.

Paalala ng BFP, sa ating sarili dapat mag-umpisa ang pag-iingat upang maging ligtas ang ating mga tahanan laban sa sunog.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

BABAE IBANDERA: Pinay celebrities and personalities na handang tumulong sa kapwa

BABAE IBANDERA: Mensahe ng Ilang artista sa pagdiriwang ng National Women’s Month

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending