BABAE IBANDERA: Pinay celebrities and personalities na handang tumulong sa kapwa | Bandera

BABAE IBANDERA: Pinay celebrities and personalities na handang tumulong sa kapwa

Pauline del Rosario - March 10, 2023 - 12:53 PM

BABAE IBANDERA: Pinay celebrities and personalities na handang tumulong sa kapwa

BUKOD sa pagpapasaya sa maraming tao, nagsisilbi ring inspirasyon ang maraming kababaihan sa mundo ng showbiz.

Sila ang mga babaeng walang sawang tumutulong sa mga mahihirap at mas nangangailangan.

At bilang pagdiriwang ngayong “National Women’s Month,” binibigyang-pugay ng BANDERA ang natatanging kabutihang loob at puso ng ilang Pinay celebrities and personalities.

Catriona Gray

Halos limang taon mula nang ipasa ang kanyang korona bilang Miss Universe, patuloy pa rin si Catriona Gray sa kanyang adbokasiya at outreach program para sa mga mahihirap na kababayan.

Madalas siyang mag-donate at mamigay ng food package sa mga pamilya sa Tondo, Maynila sa tulong ng non-government organization na Young Focus Philippines.

Tumutulong din siya sa non-profit organization na Smile Train, isang non-profit organization na nagbibigay ng libreng operasyon sa mga batang may cleft lips at palate.

Para sa mga hindi pa masyadong aware, itinalaga siyang Global Ambassador ng nasabing organisasyon noong 2020.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Catriona Gray (@catriona_gray)

Anne Curtis

Hindi lang sikat sa pagiging magaling na aktres at TV host si Anne Curtis dahil kilala rin siya na tagapagtanggol ng mga batang biktima ng pang-aabuso at karahasan.

Kamakailan lang nga ay sumali siya sa Tokyo Marathon upang magsagawa ng fundraising campaign para sa mga nasabing bata.

Matatandaan noong 2015 ay inilunsad ni Anne ang kampanyang “Heroes for Children Run” bilang Celebrity Advocate for Children ng UNICEF.

Bukod diyan ay isang staunch supporter din ang aktres ng World Vision na tumutulong sa mga batang nagugutom.

Madalas ding mag-volunteer si Anne sa Philippine Red Cross na tumutulong naman sa mga biktima ng nangyayaring kalamidad at trahedya sa bansa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith)

Angel Locsin

Alam naman nating lahat na tinaguriang “real-life Darna” ng Pilipinas ang aktres na si Angel Locsin dahil sa pagiging aktibo niya sa pagtulong.

Sa katunayan nga, iba’t-ibang award na ang nakuha ng aktres mula sa iba’t-ibang bansa hindi dahil sa galing niya sa pag-arte kundi dahil sa pagiging philanthropist.

Noong 2021, nabigyan siya ng Philippine Red Cross (PRC) ng “Spirit of Philanthropy” award.

Napabilang din siya sa listahan ng “Leaders of Tomorrow” ng magazine na Tatler Asia noong 2020 dahil sa kanyang pagtulong pagdating sa edukasyon, kalusugan at biktima ng karahasan.

Noong 2019 ay kinilala rin si Angel ng Forbes Asia bilang isa sa mga “Heroes of Philanthropy” dahil sa kanyang mga charitable works.

Venus Raj

13 years matapos ang kanyang Miss Universe stint ay aktibo pa rin hanggang ngayon si Miss Universe 2010 4th runner-up Venus Raj pagdating sa kanyang adbokasiya na matulungan ang mga kabataan.

Sa exclusive interview with BANDERA, nakwento niya na bumibisita siya sa iba’t-ibang eskwelahan sa bansa upang magbigay ng motivational talks sa ilalim ng “Not Alone” program ng Elevate Movement Inc.

Paliwanag ni Venus, ito ay isang support system sa mga bata upang iparamdam na hindi sila nag-iisa sa mga pinagdadaanang problema.

Paliwanag niya, “Basically, it’s taking students to the next level when it comes to relationships, to leadership, and even their studies.”

“So ang idea is because the young people are going through a lot of things, especially pressure, minsan ‘yung mga bata kapag nag-aaral sila, grabe ‘yung pinagdadaanan na pressure tapos may relationships issues, meron pang financial issues, ilang issues sa kanilang pag-aaral,” patuloy niya.

“Parang kami as an organization, we want to help students na ma-realize nila na hindi sila mag-isa sa journey nila,” Ani pa niya.

Bukod sa nasabing programa, parte rin si Venus sa ilan pang organisasyon na may kinalaman sa pagtulong.

“I’m also part of an organization called SIPAG or Simula ng Pag-asa. Ito naman, we go to different vulnerable communities,” saad niya.

Aniya, “Ito more on community development, more on community organizing. We train women in the communities. We develop urban poor communities. Pero this is more on parang collaboration ‘to with the LGU, with the military, with the PNP and with the community itself.”

KC Concepcion

Ang aktres na si KC Concepcion, aktibo rin pagdating sa charitable works.

Para sa mga hindi pa masyadong aware, si KC ay National Ambassador Against Hunger ng World Food Programme (WFP).

Isa itong international organization sa ilalim ng United Nations na namimigay ng food assistance sa buong mundo.

Nagkaroon pa nga siya ng sariling proyekto na tinawag niyang “KC’s Closet” na kung saan ay ipinasusubasta niya ang kanyang pre-loved items.

Isa sa mga nakinabang sa nasabing charity project ay ang mga bata sa Mindanao na kung saan ay nakapag-serve siya ng 60,000 school meals.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KC ~ also, KRISTINA. (@kristinaconcepcion)

Marian Rivera

Gaya ng mga naunang nabanggit, matagal na ring nagbibigay ng tulong ang aktres na si Marian Rivera.

Sumasali siya sa iba’t-ibang non-profit organization na may iba’t-ibang makabuluhang adbokasiya.

Isa na riyan ang pag-volunteer sa Philippine Red Cross (PRC) at GMA Kapuso Foundation na tumutulong sakaling mayroong mga kalamidad sa bansa.

Naki-join din siya at ang kanyang mister na si Dingdong Dantes sa People for the Ethical Treatment of Animals (PETA) na may kampanyang palayain ang mga elepante sa West Africa.

Itinatag din nilang mag-asawa ang Yes PInoy Foundation na nagbibigay ng scholarship sa mga kabataang Pinoy.

Bukod diyan ay naging Goodwill Ambassador ng Smile Train ang aktres na nagbibigay ng libreng operasyon sa mga batang may cleft palate at cleft chin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera)

Heart Evangelista

Iba’t-ibang paraan ng pagtulong din ang inaalay ng fashion icon at influencer na si Heart Evangelista para sa bansa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Isa na riyan ang kanyang pagiging vocal pagdating sa pagmamahal sa mga hayop na kung saan ay nagsilbi pa siyang spokesperson ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS).

May sarili din siyang foundation na “Heart Can” na layuning gamutin ang mga batang may respiratory diseases.

Nitong pandemya, nakapagbigay ng 550 tablets si Heart sa mga estudyante sa pamamagitan ng kanyang BIG Heart PH na kung saan ay ibinenta niya ang kanyang paintings.

Related Chika: 

BABAE IBANDERA: Mensahe ng Ilang artista sa pagdiriwang ng National Women’s Month

Derek: Hindi namin sinasabi ni Ellen na mas OK ako kay John Lloyd…we’re just meant to be

Angeline Quinto proud na ibinandera ang dyowa at ama ng kanyang baby

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending