EXCLUSIVE: John Prats babalik lang sa pag-arte kung makakatambal si Heart Evangelista | Bandera

EXCLUSIVE: John Prats babalik lang sa pag-arte kung makakatambal si Heart Evangelista

Reggee Bonoan |February 22,2023
facebook
share this

EXCLUSIVE: John Prats babalik lang sa pag-arte kung makakatambal si Heart Evangelista

Reggee Bonoan - February 22, 2023 - 05:13 PM
John Prats babalik lang sa pag-arte kung makakatambal si Heart Evangelista

INI-ENJOY ngayon ni John Prats ang pagiging concert director kaysa umarte sa harap ng camera dahil challenge sa kanya ito at umaming mas malaki ang talent fee.

Nakilalang actor at singer si John noong 1990’s hanggang 2013 hanggang sa napasok siya sa “FPJ’s Ang Probinsyano” noong 2016 hanggang sa hindi na siya pinakawalan ni Coco Martin para may kapalitan na rin siya sa pagdidirek ng nasabing aksyon serye na tumagal ng pitong taon.

Muli naming kinulit si John kung ano ang kundisyon niya para muli siyang mapanood umarte at nagulat kami sa sagot niya, yan ay ang gawan sila ng project ng ex-girlfriend niyang si Heart Evangelista.

Matatandaang taong 2003 naghiwalay ang dalawa dahil at that time ay kasikatan ni John at gusto muna niyang mag-concentrate sa career niya na noo’y kaliwa’t kanan ang ginagawang proyekto.

Sa nakaraang mediacon ng actor-director para sa selebrasyon ng kanyang 30 years sa showbiz ay inamin niya sa aming, “A project with Heart maybe.”

“May nag-pitch lang sa akin na, maybe a movie with Heart. So, kung may gagawin akong movie or series siguro with Heart kasi parang hindi na ako gagawa para sa sarili ko.

“Marami kasing John-Heart fans, eh, ang dami pa rin like ‘yung Angelica (Panganiban) at Carlo Aquino nu’ng gumawa sila (Excess Baggage movie) nostalgic.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by John Paulo Q. Prats (@johnprats)

“So, siguro ganu’ng aspeto kasi may sarili na kaming buhay, ang dami ng nangyari sa amin individually, so, parang interesting din kung iisipin mo,” nakangiting pagtatapat ni Pratty sa exclusive interview namin.

Sa tanong kung artista lang siya o siya rin magdidirek ng project nila ni Heart kung sakaling matuloy, “Puwedeng artista-director, puwedeng artista lang.”

Sino ang nag-pitch ng nasabing project, “Nabanggit lang sa akin ng taga-Cornerstone, puwede naman depende sa kanya (Heart) kung gusto niya.”

May komunikasyon pa ba sila ng aktres at luxury influencer ngayon na mas madalas pa sa ibang bansa dahil sa kaliwa’t kanan niyang project.

“Wala na simula nu’ng nag-GMA, well sila ni Liv (Isabel Oli), mas friends sila ng asawa ko,” pag-amin ni John.

Sabi namin na baka magkaroon through Liv ang contact para kay Heart, “Oo, naisip ko na puwede naman sana matuloy.”

Hirit namin, tiyak na may kilig pa ang John-Heart loveteam, sagot ni Pratty, “Definitely mayroon as a loveteam there’s magic, eh.”

Hayan, sa lahat ng mga producer, baka interesado kayong ibalik ang John-Heart loveteam. Willing na willing daw si Pratty sa balik-tambalan nila ng wifey ni Sen. Chiz Escudero.

Related Chika:
John Prats sa ‘paghihiwalay’ nila noon ni Heart Evangelista: I felt na bumagsak talaga yung career ko

Vice Ganda nagtampo kay John Prats?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

John Prats direktor na sa ‘Ang Probinsyano’; di na tutuloy sa ‘It’s Showtime’?

John Prats aksidente lang ang pagpasok sa showbiz sa edad na 8; nagpasalamat sa 30 years niya sa showbiz

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending