Heart hindi na pwedeng magbuntis; na-trauma sa pagkawala ng mga baby
MATINDING trauma ang naranasan ng Kapuso star na si Heart Evangelista dahil sa sunud-sunod na pagkawala ng mga magiging anak sana nila ni Sen. Chiz Escudero.
Nang dahil sa trauma dulot ng kanyang miscarriage, nagdesisyon ang aktres at global fashion icon na huwag munang isipin ang pagbubuntis.
Ibinahagi ng aktres ang tungkol dito sa nakaraang episode ng “Heart World” kung saan inamin niyang natatakot siyang magkaanak noong kanyang kabataan.
“I would be afraid to have a child when I was young. Kasi I was afraid of the responsibilities. Then when I really wanted to have a child, it only took me two months, and I was pregnant right away. I had twins,” sey ni Heart.
Ngunit makalipas ang dalawang buwan, sinabi ng doktor na meron siyang Vanishing Twin Syndrome, “So VTS is a complicated one because about 50 to 60 percent ang sabi sa akin ‘yung matitirang bata would be a very special child.
“Kasi ganoon daw ‘yung usual case, and at that time I didn’t really care basta aalagaan ko ‘yung bata. Then four months into the pregnancy, I was getting the ultrasound and there was no heartbeat,” pagbabahagi ng aktres.
View this post on Instagram
Dito na nga siya nakaramdam ng trauma at ayaw daw muna niyang magka-baby, “I can say that now without crying kasi tumibay na ang loob ko but it was very traumatizing for me. After that, I didn’t want to have a baby for a long time.
“Nabaliw-baliw ako nang konti. I was doing fashion week and people thought na I was having a good…I did New York, I did Paris pa nga and akala nila okay lang ako pero may dinadala pa akong bata.
“I really didn’t wanna be pregnant after that because parang inisip ko, parang mabait naman ako? Bakit ganu’n? It took time for me to recover,” sabi pa ng aktres sa naturang episode ng “Heart World.”
Nang handa na siyang magka-baby uli, nalaman niyang hindi na siya maaaring magbuntis uli, “I did the test. Nalaman ko there’s nothing wrong with me and in fairness nothing wrong kay Chiz.
“But basically my body, even if I was like in my 30s parang ‘yung production ng eggs ko para na akong nasa late 40s so konti na lang ‘yung natitirang eggs sa ‘kin. So naka-harvest kami ng 4 eggs and only two were good,” pag-amin ni Heart.
Kasunod nito, nag-try din sila ni Sen. Chiz ng surrogacy, “I got a surrogate mother and she was pregnant, and she was carrying my baby girl and then after not a very long time, nawala ‘yung baby girl.”
Muli nila itong sinubukan with her last egg, pero bigo pa rin, “Masakit kasi iniisip ko, boy and girl (kambal) last ko girl na ‘yun and then finally just a few months ago, we decided to take a chance to try the boy, my last remaining embryo and nabuo siya, mayroon na siyang heartbeat but after one week, ayun di rin siya nag-work.”
Sey ni Heart, pinakamahirap daw tanggapin yung last miscarriage niya, “That one is very hard for me because parang for me that’s my last try and ‘yung hinarvest ang eggs ko nu’ng mga time na ‘yun parang long ago na so konti na lang natitira sa akin nung time na ‘yun ano pa kaya ngayon.”
Iniisip na lang daw niya ang kambal ni Chiz na itinuring na rin niyang parang tunay na anak, “That’s why sinasabi ko na blessing ‘yung children sa akin kasi biruin mo ito pala ‘yung mangyayari sa akin pero alam na ni Lord kaya binigyan Niya ako ng dalawa (Quino at Chesi) na alam kong mayroon akong, hindi ko sinasabi na aalagaan nila ako, or gusto kong alagaan nila ako.
“Gusto ko lang mayroon akong makakakwentuhan ‘pag matanda na ako, ma-share ko lang ‘yung good experiences ko, ‘yung mga hardships ko, ‘yung mag lessons ko, para hindi masasayang. That’s all I kinda wanted,” pahayag ni Heart.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.