Lumang post ni Angelica Yulo viral na, netizens nakisimpatiya

Lumang post ni Angelica Yulo viral na: ‘I made sure na hindi kayo magugutom…’

Reggee Bonoan - September 06, 2024 - 05:30 PM

Lumang post ni Angelica Yulo viral na: 'I made sure na hindi kayo magugutom...'

Angelica Yulo with kids

ANG blogger na may Facebook account na Walking Sharen na taga-Dubai at may 34,000 followers ang isa sa sumubaybay sa two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo kasama ang pamilya nito.

Makikita sa laman ng Walking Sharen FB account ang lahat ng palitan ng mga mensahe at posts ng pamilyang Yulo simula nang magkaroon ng hindi pagkakasundo sa kasintahan nitong si Chloe San Jose.

May mga nag-comment na tila nagpapaawa effect ang nanay ni Carlos na si Angelica Yulo dahil nagla-live selling ito kasama ang kapatid na lalaki ng Olympic champion dahil hindi na sila nabahagihan ng panalong pera ng una.

Anyway, may inilabas ang blogger na lumang post at mga larawan ng ina ni Carlos na ikina-react ng netizens.

Baka Bet Mo: Mark Yulo: Yung mga bintang n’yo sa nanay ni Caloy puro kasinungalingan

Narito ang kabuuan ng post ni Angelica Yulo:

“HINDI KO DIN GINUSTO NA MAGING ANAK KO KAU BUT I DONT HAVE ANY REGRETS FOR HAVING YOU IN MY LIFE.

“At an early age I became a mom tapos walang kaalam alam sa lahat ng bagay even how to earn money for a living lakas lang ng loob ang meron ako at xempre ung PAGMAMAHAL ko sa inyo.

“Hindi ko man naibigay sa inyo ung luho ng materyal na bagay PERO I MADE SURE NA HINDI KAU MAGUGUTOM AT DI DIN MAHUHULI KAHIT PAPAANO SA USO…I MADE SURE DIN NA MAKAKAPAG ARAL KAU NG MABUTI.

“Naranasan nio na mag summer class para advance next school year I made sure din na mag hire ng tutor para sa inyong Pag aaral din. Nahinto lang ito nung naging busy na Kau sa academics and sports. I made sure din maayos at malinis ang mga damit nio at lahat ng gamit nio naka organized.

“Hindi man naging marangya ang buhay nio sa amin PERO I MADE SURE NA HINDI KAU MAGIGING MISERABLE SA PILING NAMIN. SA LAHAT NG BAGAY KAU ANG PRIORITIES KO ISUSUBO KO NA LANG IBIBIGAY KO PA SA INYO.

“I even quit my job kasi walang mag aalaga at di ko kayang makita na napapabayaan Kau. Habang nasa bahay ako inaalagaan ko Kau and at the same time kumikita ako ng pera. Hindi ako umasa lang sa tatay nio. ISINANGTABI KO ANG PANGRAP KO PARA BUUIN ANG PANGARAP NIO. I showered you with all my LOVE that you deserved..

“YES THIS IS MY OBLIGATIONS AND MY RESPONSIBILITY because I am a parent NA PWEDE KONG TALIKURAN KUNG NAGING MAKASARILI AKO.

“NGAYON KUNG SA TINGIN MO NAGIING MISERABLE BUHAY MO SA AMIN. I THINK IKAW NA ANG MAY PROBLEMA.”

Marami pang posts ang blogger ng mga masasayang alaala ng pamilya Yulo noong wala pa si Chloe sa buhay ni Caloy.

Ang post na ito ay umaani na ng 774 shares at 12,000 views.

Narito naman ang ilan sa mga nabasa naming komento:

“#angelikapoquizyulo ay MABUTING nanay po. LAHAT NG nanay MAHAL ANG ANAK #markandrewyulo at MABUTING ama makikita mo KANILA BILANG ISANG magulang Kong paano nla PINALAKI MGA ANAK NILA kung hindi dahil sa TULONG NILA siguro Hindi sila mag-gymnast…Bata PALANG nahubog na sila. Love love love lang po. Wag nating husgahan PAGKATAO NG bawat ISA. LAHAT Tayo Hindi perpekto. Pinanganak tayong makasalanan Ang importante marunong tayong magmahal at magpatawad SA ISAT ISA.”

“Ang ganda ng mensahe ni mother ganun naman talaga tayong mga magulang priority natin ang ating mga anak pero mother wag mo gawin sa salita lang gawin mo sa gawa kc anuhin mo ang sarap na salita kung d mo naman pinaramdam? Jan sa putak ng putak mo sa sosyal media d yun gawain ng isang ina na nag mamahal ng kanyang anak walang matinong nanay na gawin para ipabagsak ang kanyang anak kc tayong mga magulang tayo ang nakakilala sa ating mga anak kahit gaano pa ito kasama tayo ang number na mag protekta sa ating mga anak sa pinakita mo sa pag putak mo sa sosyal media lalo mo lang na lalayo sau c Caloy bata pa ang isip nya need pa ng gabay ng magulang wag mo cyang itulak na palayo sa inyo tigilan nyo ng mag putak ng putak sa sosyal media hayaan mo muna mag palamig at mag isip ang bata mukhang mabait naman ang anak mong c Caloy basta wag kanang mag putak ng mag putak para sa ikabubuti ng pamilya nyo.”

“Bihira lang ako mag-comment…Opinion ko ito. Base sa own experienced ko! Here’s my cup of tea sa nakikita ko sa social chaos sa buhay ni Caloy.. Other people might say or conclude na toxic ang pamilya ni Caloy, pero parents pa DN nya yan…both parties wala na respeto sa isa’t isa…why not let Caloy talked to his family’s in private!! Para ma-reconcile ang dapat at ma-settle ang di dapat instead of nagpaparinigan sa social media! Pamilya ay pamilya…Kapag ikaw ay mamatay. Wala iba magpaayos ng libing mo…pamilya mo pa din…Kapag ikaw ay inilibing na. Wala ibang dadalaw sayo sa libingan mo. Pamilya mo pa din…yes mayroon iba friends kunti…Pero bilang lang sa kamay mo,at bihira lang dn…2-3 months mag-move on na mga yun..habang yung pamilya mo nag-grieve pa DN sa pagkawala mo…Ang kaibigan, girlfriend or ano pa yan…Kapag ikaw ay mawawala sa mundong ibabaw..mapapalitan ka lang agad ng mga yan..pero ang mga magulang at pamilya mo,iisa lang yan sa mundo..Money is just money ..mahahanap ay makikita mo pa yan..pero yung time at chances na pinalagpas mo para magkaayos kayo hindi na yun maibabalik! To Caloy think for the bigger picture, God is a jealous god .kumbaga kung ano mayroon ka ngayon…pwede nya kuhanin yan sayo sa iisang iglap lang,..kapag subra na tayo naaaliw sa material na bagay…And tayo naman mga parents ang role natin sa buhay ng mga anak natin ay to protect them mentally and emotionally,hindi pwede magulang tayo…palagi na tayong tama…Kailangan din natin magpakumbaba minsan,para mas maintindihan natin ang mga anak natin…both parties may mali….Yung pride natin babaan natin ng kunti…”

“Naku maam mas d nila hiningi sa syin ang maging anak natin o ipsnganak natin sila dyo sa mundo it’s our obligation our responsibilities na palakihin sila dhil nagkasnsk tayo dahil sa syin kaigat or kagustuhsn tumigil kna mahpakaina na masysdo Kang paawa sa mga tao mdsya kba na msrsming nshahslit sa anak mo? Nanay ka bkit prang nagiging mortal enemy ka”

“Proud ako syo mommy bato lng tlga ang puso ni Caloy lalo na’t my partner na mas higit pa sa bato marmol ang puso pra mgpatawad!yang babae sa tingin ko ang salot sa buhay nyo!kung titingnan nyo mukha ni caloy prang gustong gusto na nyng maayos ang problema nyong mg ina!kya siguro nag kakaroon na sya ngayon mental health ksi bag iisip din sya na maling mali ang ginwa nyng pagtalikod sa inyo!alisin lng nya sa buhay yang salot na goldiger na yan sa buhay nya yan lng ang malking bato na humarang sa buhay nyo!sana magising kna caloy sa katotohanan!alisin mo yang babaeng linta sa buhay mo!”

“Makapag salita man siguro ang nanay nya ng d maganda ay dahil masakit naman talaga na pagsabihan ka ng magnanakaw ng sarili mong anak na itinaguyod mo ng buong buhay mo. Biglang bigla kasi na tinalikuran nya ang magulang ng isang iglap nakilala lang nya ang gf nyA. Parang 2019 lang buong nuo pangarap nya sa pamikya nya pati pag biki ng bahay bakit ngayon biglang naiba. Sana nga maging maligaya kasa piling ng gf mong hustler. Malilinawan ka din siguto d nga lang ngayon.”

“Dapat cguro IMBISTIGAHAN MGA NKA PALIGID KAY CARLOS NGAYON..kc c Goldie lang ang sagot ng sagot sa SOCMED ung mga kamag-anak ni goldie girl TAHIMIK LANG…KAKALUNGKOT LANG CARLOS!”

“Relate aq sa sitwasyon mo mommy! Hindi Tayo perpektong Ina,nagkakamali din Tayo Lalo na qng nababalewala ung mga bagay na sinakripisyo natin kapag Galit Tayo,may masasakit na salita Tayo na bibitawan pero at the end nanay Tayo…kaya ung mga bashers mo,wag mo na pansinin un,Wala nmn sila sa sitwasyon mo pra husgahan ka,siguro Hindi sila naging Ina or else pinalad sila sa Buhay may asawa kaya walang stress sila sa pagiging Ina.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas ang BANDERA mula sa panig ni Carlos o ng kampo niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending