Mark Yulo: Yung bintang n'yo sa nanay ni Caloy kasinungalingan

Mark Yulo: Yung mga bintang n’yo sa nanay ni Caloy puro kasinungalingan

Ervin Santiago - September 05, 2024 - 06:26 PM

Mark Yulo: Yung mga bintang n'yo sa nanay ni Caloy puro kasinungalingan

Mark Andrew Yulo, Angelica Yulo, Chloe San Jose at Carlos Yulo

TILA napipikon na ang tatay ni 2-time Olympic gold medalist Carlos Yulo na si Mark Andrew Yulo sa kanyang anak pati na sa girlfriend nitong si Chloe San Jose.

Base sa mga naging post ng ama ni Caloy sa social media, nais na niyang ayusin at tapusin ang alitan ng anak at ina nitong si Angelica Yulo para matahimik na ang kanilang pamilya.

Gusto rin ng ama ni Carlos na patunayang hindi totoo ang akusasyon ng anak at ni Chloe na “magnanakaw” at “winaldas” ng asawa niyang si Angelica ang pera ng kanilang anak.

Pero sabi ni Mark, hindi raw nagre-reply at hindi rin sinasagot nina Carlos at Chloe ang kanyang tawag sa kabila ng pagme-message niya sa Facebook.

Baka Bet Mo: Nanay ni Carlos Yulo sinisi dyowa ng anak: Inilalayo sa amin si Caloy

Nagsagutan si Mark at ang dyowa ni Carlos na si Chloe San Jose sa comments section ng latest Facebook status ng Pinoy Olympic champ kung saan ipinaalam niyang babalik muna siya sa Paris para sa natanguang commitment.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Komento ni Mark sa post ng anak,  “Masaya ako sa narating mo nak Pero dapat mag sorry ka sa nanay mo na sinabihan mong mag nanakaw para luminis yang imahen mo.”

Sumagot naman dito si Chloe, “Mark Andrew Yulo pasensya na po kayo tito, alam ko po na hindi po ikaw ang nag comment nito.

“Pero kung gusto niyo po talaga ng ganito, bat hindi niyo din po sabihin na sinumpa po siya ni tita angge na gagapang si caloy sa lupa before po siya mag qualify sa olympics last year.

“Sinabi pa po niya na kahit ilang rosaryo pa ang ipadala niya kay caloy ay hinding hindi na po mananalo si caloy.

“Pero kung gusto niyo po talaga ng ganito, bat hindi niyo din po sabihin na sinumpa po siya ni tita angge na gagapang si caloy sa lupa before po siya mag qualify sa olympics last year.

“Sinabi pa po niya na kahit ilang rosaryo pa ang ipadala niya kay caloy ay hinding hindi na po mananalo si caloy.

Baka Bet Mo: Carlos Yulo ni-repost ang ‘may magulang palang ganyan’ post, netizens nagulat

“Kinuwento pa po sakin ni caloy before siya lumipad po sa olympics na sinabihan niyo po siyang galingan niya at ipagdarasal niyo po siya para pag nanalo po siya eh wala na silang masabi po jan sa bahay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Dahil ang sabi niyo po kay caloy ay marami po kayong naririnig na hindi magagandang salita sa kanila.

“Matagal na panahon at ilang beses na po kami nag sorry ni caloy at nag try makipag usap po sainyong lahat, pero bakit po ganito?

“Pero wala na po yun tito eh, nakapag patawad na po kami and we’re always praying for you po. God bless us all po, let’s all pray na lang po for healing, guidance and love from HIM,” buong rebelasyon ni Chloe.

Base sa reply ni Mark, ilang beses niyang tinawagan sina Carlos at Chloe pero hindi raw siya sinasagot, “Tinatawagan ko kayo ni Caloy ayaw Nyo sumagot.”

Makalipas ang ilang saglit muling nag-post ng komento si Mark sa FB post ni Carlos, “Ako yan tawagan now gusto Mag kaayos at maliwanaga silang lahat.”

Ngunit mukhang wala nang balak pang sumagot ang magdyowa kaya ang sumunod na mensahe ng tatay ni Caloy, “Bakit ayaw Nyo tumawag ngayun wait ko tawag Nyo para malaman na nila na sinabihan ni caloy ang nanay nya na mag nanakaw wait ko tawag Nyo.”

Ilang sandali pa ang lumipas ay parang na-bad trip na si Mark sa pangdededma nina Chloe at Carlos, “ASan na yung tawag nyo yung mga bintang ninyo sa nanay ni Caloy puro ksinu galingan dapat maayus na to.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa rin nagre-reply sina Carlos at Chloe.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending