Angelica Yulo isinumpa raw si Carlos na gagapang sa lupa

Angelica Yulo isinumpa raw si Carlos na gagapang sa lupa, sey ni Chloe

Ervin Santiago - September 05, 2024 - 09:38 AM

Angelica Yulo isinumpa raw si Carlos na gagapang sa lupa, sey ni Chloe

Angelica Yulo, Carlos Yulo at Chloe San Jose

MATAPANG na sinagot ni Chloe San Jose ang tatay ng kanyang boyfriend na si Carlos Yulo matapos itong magkomento sa Facebook post ng anak.

Ilang linggo nang tahimik ang kampo ni Carlos at ng kanyang pamilya sa samu’t saring isyu na kanilang kinasasangkutan.

Ngunit bigla na namang nag-apoy ang kontrobersiyal na alitan sa pagitan ng 2-two-time Paris Olympic gold medalist at ng kanyang inang si Angelica Yulo dahil sa naging mensahe ni Mark Andrew Yulo sa kanilang anak.

Baka Bet Mo: Carlos Yulo ayaw nang pag-usapan ang isyu sa ina, grateful sa suporta ni Chloe

Mababasa sa Facebook page ni Carlos ang kanyang post hinggil sa pagbalik niya sa France para magbigay suporta sa mga atletang Pinoy na lumalaban sa ginaganap na Paris Paralympics 2024.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Aniya sa caption, “Embarking on the journey to meet alike athletes that ‘started’ their impossible. I am excited to share more about my upcoming Paris trip to meet other Team Toyota members at the Paralympic Games!”

Sa comments section mababasa ang iniwang post ng tatay ni Carlos, “Masaya ako sa narating mo nak Pero dapat mag sorry ka sa nanay mo na sinabihan mong mag nanakaw para luminis yang imahen mo.”

Ganito rin halos ang naging comment ni Mark Andrew sa Facebook post ng ABS-CBN tungkol sa isang artikulo about Carlos. Aniya, “Dapat matuto siyang mag sorry sa kanyang nanay na Mali ang Ang sabihan nya ang kanyang nanay na mag nanakaw para gumanda ang kanyang imahen.”

Baka Bet Mo: Carlos Yulo ni-repost ang ‘may magulang palang ganyan’ post, netizens nagulat

Sa naging komento ni Mark sa FB post ni Carlos ay sumagot si Chloe at sinabing naniniwala siya na hindi ang ama ng kanyang boyfriend ang sumagot sa post ni Carlos. Feeling niya ay may ibang gumamit sa Facebook account ni Mark.

Sabi ni Chloe, “Pasensya na po kayo tito, alam ko po na hindi po ikaw ang nag comment nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Pero kung gusto niyo po talaga ng ganito, bat hindi niyo din po sabihin na sinumpa po siya ni tita angge na gagapang si caloy sa lupa before po siya mag qualify sa olympics last year.

“Sinabi pa po niya na kahit ilang rosaryo pa ang ipadala niya kay caloy ay hinding hindi na po mananalo si caloy,” ang rebelasyon ni Chloe na ang tinutukoy ay ang nanay ni Carlos na si Angelica.

Patuloy ni Chloe, “Kinuwento pa po sakin ni caloy before siya lumipad po sa olympics na sinabihan niyo po siyang galingan niya at ipagdarasal niyo po siya para pag nanalo po siya eh wala na silang masabi po jan sa bahay.

“Dahil ang sabi niyo po kay caloy ay marami po kayong naririnig na hindi magagandang salita sa kanila,” saad pa ng dyowa ni Carlos.

Dagdag pa ni Chloe, ilang beses na raw silang nag-sorry ni Carlos at sinubukang makipag-usap kay Angelica pero wala naman daw nangyari.

Ani Chloe, “Matagal na panahon at ilang beses na po kami nag sorry ni caloy at nag try makipag usap po sainyong lahat, pero bakit po ganito?

“Pero wala na po yun tito eh, nakapag patawad na po kami and we’re always praying for you po.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Godbless us all po, let’s all pray na lang po for healing, guidance and love from HIM.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending