Angelica Yulo super flex kay Eldrew matapos mag-uwi ng 8 gold medals from HK
PROUD na proud si Angelica Yulo sa kanyang anak na si Eldrew matapos mag-compete sa Hong Kong kamakailan lang.
Paano ba naman kasi, humakot ito ng gintong medalya sa Chiu Wai Chung Cup bilang isa sa mga koponan na ipinanglaban ng Pilipinas sa men’s artistic gymnastic.
Sa Facebook, masayang ibinandera ni Angelica ang poster ni Eldrew na may hawak na dalawang tropeyo at ilang nakasabit na medalya sa kanyang leeg.
Caption niya riyan, “Prayers granted. Medal sweep –Way to go.”
Kalakip din niyan ang hashtags na “Yulo siblings,” “Team Yulo,” at “to God be all the glory.”
Baka Bet Mo: Magkapatid na Carlos, Eldrew Yulo ‘sureball’ sa 2028 Olympics –Cynthia Carrion
Wala pang isang araw ang post ni Angelica, umaani na ito ng 12,000 likes at mahigit 2,500 comments.
Makikita naman sa FB page ng Gymnastics Association of the Philippines na si Eldrew ang nangunguna na may pinakamaraming panalo para sa Pilipinas.
Pitong gintong medalya ang iuuwi niya matapos magwagi sa mga kategoryang Individual All-Around, Floor Exercise, Vault, Parallel Bars, Horizontal Bar, Pommel Horse, at Still Rings.
“Our Men’s Artistic Gymnastics Team defied all limits and garnered a total of 14 GOLDS, 6 SILVERS, and 5 BRONZES in the Chiu Wai Chung Cup 2024,” wika sa post.
Kung matatandaan, noong nakaraang buwan lamang nang huling nag-compete si Eldrew sa larangan ng gymnastics sa 3rd JRC Artistic Gymnastics Stars Championships 2024 na ginanap sa Bangkok, Thailand.
Ang napanalunan niya ay apat na gintong medalya mula sa Individual All Around, Floor Exercise, Still Rings, at Vault categories.
Dalawang silver medal naman ang kanyang nakuha mula sa Parallel Bars at Team category.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.