Eldrew Yulo kay Chloe: ‘Kumbinsihin mo si Kuya na mag-sorry’

Eldrew Yulo kay Chloe San Jose: ‘Kumbinsihin mo si Kuya na mag-sorry’

Pauline del Rosario - August 19, 2024 - 01:53 PM

Eldrew Yulo kay Chloe San Jose: ‘Kumbinsihin mo si Kuya na mag-sorry’

Eldrew and Elaiza Yulo, Chloe San Jose and Carlos Yulo

“WALA kaming pake sa nakuha mo, ang gusto namin is bumalik ka sa amin.”

‘Yan ang emosyonal na pahayag ni Eldrew Yulo para sa kanyang kapatid na si Carlos Yulo nang ma-interview ng Business Mirror kamakailan lang.

Kasalukuyang usap-usapan kasi sa social media ang panayam kung saan naglabas ng saloobin ang dalawang kapatid ng two-time Olympic gold medalist na sina Eldrew at Elaiza.

Sa kumalat na video, unang naitanong kay Eldrew kung ano ang gusto nitong ipabili sa kanilang kuya ngayong marami na itong pera.

Ang sagot diyan ng lalaking kapatid ni Carlos, “Actually, wala po talaga akong pake sa money or kung ano ang nakuha niya…‘Yung love niya sa amin as his family [ang gusto ko].”

Baka Bet Mo: GF ni Carlos na si Chloe tumanggi sa interview: Ay, sorry! Wag na!

Kasunod niyan ay sinabi niya na very proud sila sa naabot na tagumpay ng kanilang kuya at nais lang daw nila ay bumalik na ito sa kanila.

“After all, may napatunayan na siya ‘diba? Wala naman kaming pake kahit magsaya kayo diyan. Hindi namin kayo guguluhin ng girlfriend mo dahil may napatunayan ka na. Ang gusto lang namin is bumalik ka sa amin,” wika niya.

Kwento pa niya, “Actually, iniyakan ko talaga si mama diyan eh. Hindi namin siya gustong bumalik dahil nagkaroon siya ng money or everything or naging gold medalist [siya]. Wala kaming pake kahit hindi siya maka-gold. Ang gusto lang namin is bumalik siya kahit hindi niya dala ‘yung medal niya.”

Kasabay niyan ay may panawagan siya sa girlfriend ng kanyang kuya na si Chloe San Jose.

“Hindi ko naman pwedeng itago ito. So ayun nga. Alam kong nagsisi ka sa mga sinabi mo kay mama, pero please Ate Chloe kumbinsihin mo si kuya na mag-sorry,” naiiyak na mensahe ni Eldrew.

Ibinunyag din nito na tila matagal nang may alitan ang mag-inang sina Angelica at Carlos.

 “Ako nagmumukhang desperado kasi gusto ko talagang mabuo kami dati pa before ka pa maging Olympian,” sambit niya.

Paglilinaw pa ni Eldrew, “Pero kuya, hindi ka naman namin pinipilit na lumapit pero sana maisipan mo ring lumapit ka. Kahit kay papa nalang o kaya sakin. Gusto ko lang namang mabuo tayo.”

Dagdag naman ng kapatid nilang babae na si Elaiza, “Hindi lang po kaming natuwa how it turned out…pero sobrang proud po kami sa accomplishments niya kahit before Olympics pa po.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ani pa ni Eldrew, “Alam kong matagal mo na ring gustong mabuo tayo kuya. Alam ko na nagso-sorry kayo nila ni Ate Chloe.” 

“Gumagawa kayo ng dummy account, pero if hindi talaga gumana, what if lumapit kayo nang personal kasi mas mapag-uusapan natin ‘yan eh. Kasi hindi kayo nagkakaintindihan,” hirit pa niya sa kanyang kuya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending