Magkapatid na Carlos, Eldrew Yulo ‘sureball’ sa 2028 Olympics –Cynthia Carrion
“FOR sure we’ll have two Yulos!”
‘Yan ang proud na sinabi ng presidente ng Gymnastics Association of the Philippines (GAP) na si Cynthia Carrion nang tanungin siya kung posible ring lumaban sa 2028 Olympics ang kapatid ni Carlos Yulo na si Eldrew.
“Not a possibility, for sure will have two Yulos,” sey ni Cynthia nang ma-interview ng News5.
Pagbubunyag pa niya, “The lineup will be Carlos, Eldrew [then] I’m trying to get Jake Jarman…and then Miguel.”
Ito rin ang tiniyak mismo ni Cynthia nang magkaroon ng press conference matapos maganap ang Heroes’ Welcome Parade sa Manila.
Baka Bet Mo: Mommy Dionisia kay Carlos Yulo: ‘Mahalin mo ang nanay mo, huwag ka magkimkim’
“One-hundred percent, unless one of them gets hurt, that’s the only thing I’m praying they don’t get injured,” sey ng GAP president na tinutukoy ang magkapatid na Yulo.
Dagdag niya, “Yes, his kapatid, especially Eldrew, he’ll really be good kay, two Yulos in the same team will be very nice.”
Kung maaalala, si Cynthia ang ibinandera ni Carlos na tumayong nanay niya sa kasagsagan ng kanyang training hanggang sa mag-champion sa prestihyosong sports event.
Kwento ng two-time Olympics gold-medalist, hindi siya iniwan nito kaya todo ang pasasalamat niya.
“Grabe po ‘yung trust and ‘yung pag-believe, paniniwala po niya sa akin. May tao po talagang naniniwala sa kakayahan ng katulad ko po. Kaya sobra akong nagpapasalamat sa kanya,” sey ng gymnast champion.
Patuloy niya, “Lahat po ng obstacles, nandoon si Ma’am Cynthia. Siya po ‘yung tumayo bilang mother [ko]. ‘Yun po ang turing ko sa kanya.”
“Grabe ‘yung pagsuporta, ‘yung pag-alaga niya sakin. Wala ako masabi. I’m so grateful and blessed na pinakilala siya sakin ng Diyos at ipinakilala ako sa kanya,” pagpupuri pa ni Carlos sa pangulo ng GAP.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.