Mommy Dionisia kay Carlos Yulo: ‘Mahalin mo ang nanay mo, huwag ka magkimkim’
“MAHALIN mo ang nanay mo.”
‘Yan ang payo ni Mommy Dionisia Pacquiao sa two-time Olympics gold medalist na si Carlos Yulo sa gitna ng isyu nila ng kanyang ina na si Angelica.
“Mahalin mo ang nanay mo. Huwag ka magtanim, kikim ng sama ng loob,” sey ng ina ng eight-division Filipino world champion.
“Mahal na mahal ka [ng] mama mo, nanay mo. Mahalin mo siya sa lubusan ng pagmamahal bilang nanay, kay mahal na mahal ka niya. ‘Yan lang ang payo ko sa’yo bilang nanay,” Dagdag pa ni Mommy Dionisia sa isang Facebook video na ibinandera ng kanyang special someone na si Mike Drilon Yamson.
Baka Bet Mo: Carlos Yulo pinayuhang puntahan, makipag-ayos na sa inang si Angelica
Kung maaalala, naging sentro rin ng mga balita noon si Mommy Dionisia sa kasagsagan ng karera ni Manny sa boksing na talagang ibinabandera kung gaano siya ka-supportive sa anak.
Madalas nga ay hindi siya nanonood nang live sa mga laban ng anak at sa halip ay nananatili siya sa bahay o simbahan upang ipagdasal nang todo ang pagkapanalo ni Manny.
Sa isang interview noong 2009, lubos ang pasasalamat ng boxing champion kay Mommy Dionisia dahil hindi ito tumigil na magbigay ng suporta sa kabila ng kanilang kahirapan.
Samantala, recently lamang ay naging hot topic sa social media ang kontrobersiya sa pagitan ni Carlos at kanyang pamilya, lalo na sa inang si Angelica.
Nagsimula kasi ito nang maging agaw-pansin ang post ng nanay ng Olympic champion na mas pinapaboran niya ang pambato ng Japan kaysa sa sarili niyang anak.
Ilang beses nang nagsalita si Angelica upang linawin ang isyu, habang nagsabi na rin si Carlos na ayaw na niyang pag-usapan ang gusot sa kanilang pamilya.
“Unang-una po, matagal ko nang pinatawad ‘yung parents ko po,” giit niya sa isang interview recently.
Patuloy niya, “Ang sakin lang po, personal na po namin itong problem at ayaw na po namin ito masyadong pag-usapan.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.