Carlos Yulo pinayuhang puntahan at makipag-ayos na sa ina

Carlos Yulo pinayuhang puntahan, makipag-ayos na sa inang si Angelica

Ervin Santiago - August 14, 2024 - 12:13 PM

Carlos pinayuhang magpakumbaba na sa inang si Angelica Yulo

Carlos Yulo at Pangulong Bongbong Marcos

NGAYONG nakauwi na sa Pilipinas ang 2-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo, abangers na ang lahat kung ano na ang magiging hakbang niya para magkaayos na sila ng kanyang ina.

Naniniwala ang kanyang mga tagasuporta na mas magiging kumpleto ang tagumpay ng matagumpay na Filipino gymnast kung tuluyan na silang magkakaayos ng inang si Angelica Yulo.

May mga nag-suggest na sana’y siya na ang magpakumbaba sa kanyang ina upang maging maayos na ang kanilang relasyon at huwag nang pagpiyestahan ng mga Marites ang pamilya nila.

Baka Bet Mo: Carlos Yulo dedma sa ina, nag-message sa ama: Mahal na mahal kita

Ayon sa ilang komento na nabasa namin sa social media, walang mawawala sa binata kung siya na ang unang lalapit at makikipagbati kay Angelica, at siguradong mas magiging maligaya pa siya kapag nangyari ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Pero ilang netizens naman ang nagsabi na kung talagang nais maayos ni Angelica ang pamilya, bilang ina ay siya na ang unang lumapit sa anak at tapusin na ang alitang namamagitan sa kanilang mag-ina.

Samantala, karagdagang P20 million incentive ang matatanggap ni Carlos mula sa Office of the President dahil sa dalawang gintong medalya na naiuwi niya sa bansa.

Bukod dito, ginawaran pa siya ng Presidential Medal of Merit mula kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa ginanap na pag-welcome sa kanya sa Malacañang kagabi.

“Maraming maraming salamat po sa mga taong nagdasal po, nag-take ng effort magpuyat para panoorin po ‘yung Olympics at masaksihan po ‘yung mga pinag-training-an po namin ng mga atletang Pilipino.

Baka Bet Mo: Ina ni Carlos Yulo mukhang pera raw, rumesbak: Wala kaming ninakaw!

“Gusto ko po magpasalamat sa pagbigay po sa amin ng training camp sa Metz (France) po. Sobrang malaking tulong po nu’n sa akin, nakapag-adjust sa oras, nagamay din po ‘yung weather kaya sobrang laking bagay po sa akin po iyon na nakakonekta po sa gintong medalya po.

“Maraming, maraming salamat po sa POC, kay Ma’am Cynthia, Gymnastics Association of the Philippines. Siya po ‘yung nag-handle po sa amin, nagtaguyod po sa gymnastics po. Maraming maraming salamat po sa inyo Ma’am Cynthia. Grabe po ‘yung suporta na binigay ninyo po,” bahagi ng speech ni Carlos.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Patuloy pa niya, “Syempre sa lahat po ng atleta po, sobrang proud po ako na ipinaglaban po natin, binigay natin yung best natin sa lahat po. Dugo’t pawis ang inalay natin.

“‘Di pa nagsisimula yung competition sobrang proud na proud ako sa inyong lahat. Ngayon at tapos na po ang kompetisyon, celebrate natin yung mga nakuha nating resulta at mas galingan natin sa mga susunod na kompetisyon,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ngayong araw naman magaganap  Heroes’ Welcome parade para kay Carlos at sa lahat ng Pinoy Olympians na magsisimula sa Aliw Theater hanggang sa Rizal Memorial Sports Complex.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending