GF ni Carlos na si Chloe tumanggi sa interview: Sorry, wag na

GF ni Carlos na si Chloe tumanggi sa interview: Ay, sorry! Wag na!

Ervin Santiago - August 14, 2024 - 11:32 AM

GF ni Carlos na si Chloe tumanggi sa interview: Ay, sorry! Wag na 'ko!

Carlos Yulo at Chloe San Jose

IBA’T IBA ang naging reaksyon ng mga kababayan nating nakapanood sa pagtanggi ni Chloe San Jose na magpa-interview sa media kagabi, August 13.

Kasama pa rin ng 2-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo ang kanyang dyowang si Chloe sa pagbabalik nito sa Pilipinas matapos ang matagumpay na laban sa 2024 Paris Olympics.

Kitang-kita sa video coverage ng iba’t ibang news at media organizations ang content creator na katabi ni Carlos habang naglalakad sa Villamor Air Base sa Pasay City pagkababa ng sinakyan nilang chartered Philippine Airlines flight mula sa Dubai.

Baka Bet Mo: Carlos Yulo ipinaglaban ang dyowa sa ina: Ayaw talaga niya kay Chloe

Talagang makikitang pinagkaguluhan ng  media si Carlos pati na ang iba pang mga atletang Pinoy na nagbigay ng karangalan sa bansa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Napanood namin ang video sa social media kung saan masayang nakipag-selfie si Chloe sa ilang kababayan nating sumalubong sa delegado ng Pilipinas sa Paris Olympics.

Sa isang bahagi ng naturang video ay nilapitan ng GMA 7 news anchor at TV host na si Mariz Umali ang girlfriend ni Carlos at tinangkang mag-interview.

Ngunit kaagad na tumanggi si Chloe sabay sabing, “Ay sorry, wag na mag-interview.”

Naintidihan naman ni Mariz ang desisyon ni Chloe at nag-dialogue ng, “Huwag na daw, and we respect that.” Sumagot uli si Chloe ng, “Sorry po.”

Baka Bet Mo: Angelica Yulo pwedeng matanggap si Chloe bilang GF ni Carlos, paano?

Ilang araw ding na-headline si Chloe sa mga news at online entertainment sites dahil sa alitan ng mag-inang Carlos at Angelica Yulo. Tinawag din siyang epal na girlfriend dahil palagi siyang nakadikit at nakabuntot kay Carlos.

Inakusahan din siya ng pang-aagaw ng spotlight mula kay Carlos dahil nga sumama pa ito sa isang presscon ng binata na akala mo’y isa ring atleta at Olympian.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Isang netizen naman ang niresbakan ni Chloe para ipagtanggol ang sarili. Aniya, kahit kailan daw ay hindi siya nagpa-interview sa media at hindi niya kailanman inagawan ng eksena si Carlos.

Hati naman ang reaksyon ng netizens about this. May mga natuwa dahil pinanindigan ng dalaga ang hindi pagpapa-interview sa media para hindi na maagawan ng eksena si Carlos.

Pero may mga nagkomento naman na parang ang bastos ng ginawa niya kay Mariz na gusto lamang siyang makausap sandali para kunan ng pahayag sa pagbabalik nila ni Carlos sa Pilipinas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kayo dear BANDERA readers, tama lang ba ang ginawa ni Chloe na huwag nang magbigay ng interview sa press?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending