Angelica Yulo pwede pang matanggap si Chloe bilang GF ni Carlos

Angelica Yulo pwedeng matanggap si Chloe bilang GF ni Carlos, paano?

Ervin Santiago - August 08, 2024 - 01:35 AM

Angelica Yulo pwedeng matanggap si Chloe bilang GF ni Carlos, paano?

Angelica Yulo, Chloe San Jose at Carlos Yulo

HINDI na sinagot ni Angelica Yulo ang akusasyon ng kanyang anak na si Carlos Yulo hinggil sa mga savings niya sa bangko mula sa pagiging atleta.

Nagpa-presscon kahapon si Angelica kasama ang legal counsel niyang si Atty. Raymond Fortun para once and for all ay matapos na ang isyu sa pagitan nila ng kanyang anak.

Nagsagutan sa pamamagitan ng social media si Angelica at ang kanyang Olympic gold medalist na anak na may koneksyon sa umano’y nawawala at naubos na cash incentives ng binata sa bangko.

Baka Bet Mo: Carlos Yulo dedma sa ina, nag-message sa ama: Mahal na mahal kita

Rebelasyon ni Carlos, hindi raw niya na-receive ang naturang incentives, “Never ko na po na-receive yung incentives ko po na yun. At never ko na rin naman po na hiningi yun sa kanila.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Binigay ko na at wala na po yun sa akin. Ang sa akin lang naman, gusto ko malaman kung saan napunta ‘yung incentives ko po na ‘yan.

“‘Yung principle po kasi dito, wala po sa liit o laki ng amount po na incentives po na ginalaw niya, kundi po sa pagtago at paggalaw niya nang wala ko pong consent, yun yung pino-point ko po sa kanya,” paliwanag pa niya.

Pagpapatuloy ng binata, “Lahat po ng bank account ko po, nasa mama ko po. At may mga instances po talaga na si Chloe po yung sumasalo sa akin that time po.

Baka Bet Mo: Nanay ni Carlos Yulo sinisi dyowa ng anak: Inilalayo sa amin si Caloy

“Bukod sa incentives po, nasa kanya din kasi ‘yung bank account ko sa monthly allowances sa pag-gymnastics ko.

“Nu’ng nakuha ko na yung bank account ko po na ‘yun, du’n ko po nalaman na (naubos) na po yung laman nu’n. And nasa akin po yung mga bank statement ng withdrawal po na ginagawa niya po,” sey pa ni Carlos.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Naitanong ito sa presscon ni Angelica pero hindi na siya pinasagot ni Atty. Fortun. Aniya, “Again when it comes to the money matters issue, Mrs. Yulo will no longer respond to them. Let us respect the family’s decision to keep it private.

“Again, all of these matters are matters between family members and we should leave it at that. I hope you respect it. Otherwise hahaba. Siguradong meron na namang isasagot yung kabila,” katwiran ng abogado.

Sumunod na tanong kay Angelica ay ang tungkol naman sa milyun-milyong cash incentives para sa dalawang gold medal na napanalunan ni Carlos sa Paris Olympics 2024.

“Sa bagay na iyan, wala akong masasabi kasi panalo niya yan so kanya yan. Nasa tamang age naman po siya,” tugon ng ina ni Carlos.

Napatawad na ba niya ang anak? “As of now po, yun ang kinakapa ko sa puso ko. Masyadong malalim kasi yung pain, e. Sa ngayon, yun yung pinagpe-pray ko, mawala yung pain. And afterwards, yung kasunod nu’n ang pagpapatawad.”

Ano nga ba ang pwedeng gawin ni Carlos para matanggap ni Angelica ang girlfriend nitong si Chloe?

“Ayokong sabihin kung ano yung gusto nilang gawin. Matatanda na sila. Alam nila ang dapat nilang gawin.

“Hindi ko puwedeng sabihin dahil siyempre, kapag sinabi ko, siyempre gagawin nila for sure.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Gusto ko manggaling sa kanila mismo yung initiative kung paano mai-ease yung pain at kung paano sila lalapit. Gusto ko sa kanila mismo manggaling,” ani Angelica na nagsabing maaari pa rin naman niyang matanggap si Chloe in the future.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending